Mainit ang usapan ngayon tungkol sa kontrobersyal na tank build na Lancelot o mas kilala sa tawag na Tank-celot. Ilang mga players ang nagbigay ng iba’t ibang opinyon sa build na ito, at isa na sa kanila ang bagong jungler ng RSG Slate Philippines na si John Paul “H2wo” Salonga.
Sumikat ang Tank-celot dahil sa kakaiba nitong bihis na hindi sumusunod sa tradisyunal na assassin build ng hero. Isa sa mga nagbigay komento dito ay ang 2-time world champion na si Karl “KarlTzy” Nepomuceno, na binansagang “boring” ang naturang build dahil sa kawalan nito ng damage.
Nirerespeto naman ng Smart Omega jungler na si Dean Christian “Raizen” Sumagui ang opinyon ni Karl bilang kilalang nagpasikat sa paggamit ng hero noong M2 World Championship, bagama’t taliwas ito sa kanyang paniniwala na epektibo ang Tank-celot.
Bilang bagong jungler ng RSG, nagbigay din ng pahayag si H2wo patungkol sa tank build Lancelot.
Pwede naman ang Tank-celot ayon kay H2wo
Sa post-match press conference ng RSG Slate Philippines matapos nilang talunin ang NXP Evos sa score na 2-1, tinanong si H2wo kung anong masasabi niya tungkol sa sumisikat na build ng Lancelot sa liga.
“Para sakin, ok naman yung tank Lancelot,” sabi ng RSG jungler. “Depende lang kung anong team composition niyo, kung anong mga hero niyo.”
“Kung kelangan talaga, pwede kang mag tank Lacelot,” patuloy niya. “Pero pag may mga tank naman, kunyari tank yung EXP or hindi malambot yung tank namin, pwede akong mag-damage Lancelot. Ganun lang naman yun eh.”
Dagdag pa ni H2, siga daw sa jungle ang Lancelot pag ganito ang build. “Pwede naman yung tank Lancelot. Gangster sa jungle yun e, pag naka-tank.”
Bilang pagtatapos, pabirong tinanong ang jungler ng RSG kung sa tingin niya ay pwede ring gamitan ng tank build si Ling.
“Hindi ko pa nata-try eh. Siguro. Try ko.”
Susunod na makakaharap ng RSG ang ECHO ngayong March 12, 6:30 p.m. (GMT+8), kung saan makakaharap ng jungler ang kanyang kaibigan at dating teammate na si Tristan “Yawi” Cabrera.
Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng MPL PH S11 sa mga sumusunod na channels at pages:
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.