Unang katapat ng Nexplay Esports ang Work Auster force sa first round ng parating Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7 playoffs. Ngunit nakatingin na agad si John Paul Salonga aka H2wo ng Nexplay Esports sa isang team: ang Bren Esports.

Motivation ni H2wo sa MPL PH Season

Sa isang interview kasama ang ONE Esports, nabanggit ni H2wo na ang Nexplay Esports ay handa para patunayan na sila ay karapat-dapat na katakutan ngayon season.

“We really want to win the title this season as we got eliminated early on in the playoffs,” ika ni H2wo.

Naunang nakita ang Nexplay Esports nitong season 6 matapos nilang manalo sa MPL PH Qualifiers. Hindi nga lang nag-tagal ang kanilang playoffs run nitong season 6 dahil sa kanilang pagkatalo sa Bren Esports ng 3-0 sa first round ng playoffs. Tuluyan ding nagwagi sa grand final ang Bren Esports sa Omega Esports sa nasabing season.

“We really want to avenge our first round exit last season and win against them this time,” binanggit ni H2wo.



Pagturing ni H2wo ng Nexplay Esports sa pagkatalo

Inamin ni H2wo na kampante ang kanilang team last season at ito ang nag-resulta sa kanilang first-round exit. “We were very strong last season and we thought everyone was weak back then,” sinabi niya.

Dinagdag niya na ang kanilang pagiging undefeated sa qualifiers ay nagdagdag sa kanilang confidence at sila’y hindi mapipigilan – isang mindset na nagbigay sa kanilang unang downfall sa liga.

Credit: Nexplay Esports

Gameplan ng NXP sa playoffs

Matapos ang kanilang pagkatalo sa season, ang management ng Nexplay Esports ay gumawa ng iilang pagbabago sa lineup para sa season 7. Si Jimnest, Chester, at MB ay tinanggal sa official lineup at pinalitan ni Jeymz, LaceCy, at Exort.

Nabanggit ni H2wo ng Nexplay Esports na may biglaang improvement ang kanilang team, lalong-lalo na dahil sa MPL PH veteran na si Exort na ngayon ay nangunguna sa team.

Credit: Tammy David/Evident

Sa pagpasok ng team sa kanilang ikalawang playoff appearance, nabanggit ni H2wo na may mga off-meta picks at surprise composition para sa playoffs.

“All the teams better get ready for us,” ang sabi ni H2wo.

Haharapin ng Nexplay Esports ang Work Auster Force sa first round ng MPL PH Playoffs sa Wednesday, May 26.