Isa sa mga teams na kasalukuyang nakikipaglaban upang makapasok sa playoffs ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11) ay ang RSG Slate Philippines na may bagong jungler para sa season na ito na walang iba kung hindi si John Paul “H2wo” Salonga.
Bilang jungler, natural para kay H2 na sumunod sa Tank Jungler meta. Gayunpaman, para sa kanya, isa sa mga nangungunang jungler hero ang Ashuhura King na si Martis, na ginamit niya upang matalo ng kanyang koponan ang Nexplay EVOS at TNC Pro Team.
H2wo ipinaliwanag ang kanyang Jungler Martis build
Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports, ibinahagi ni H2wo ang kanyang Jungler Martis build at kung paanong nakakatulong ang ilang bahagi nito.
“Una, Tough Boots, sabi ng RSG jungler. “Pangalawa is yung Molten Essence, pero pwede mong buuin yun pag nakabuo ka na ng tatlong [item] build.”
Ipinaliwanag din ni H2 ang kahalagahan na ibagay ang depensa nang nauukol sa composition ng kalabang team.
“Third build ko is Blade Armor pag malikot kalaban, mga Beatrix, ganun. Fourth build ko, Athena pag may mga Pharsa o Valentina,”
Sa mga kalaban na umaasa sa malalakas na basic attacks, gaya ng mga marksman heroes, importante umano na bumuo ng Blade Arrmor upang maibigay ang porsyento ng damage pabalik sa kalaban. Athenas Shield naman ang sagot niya kontra sa mga mage ng kabilang team.
At bilang core ng team na inaasahan sa mga Turtle at Lord fights, meron ding item na kelangan ang RSG jungler upang magawa nang mas maayos ang trabahong ito. “Fifth, Guardian Helmet para in case na mag-pull ka ng Lord, may buhay ka na magre-regenerate para di ka mabawasan sa Lord,” sabi ni H2. “Last item ko, Immo (Immortality).”
Para naman sa emblem, gumagamit si H2wo ng Jungler emblem na may Demon Slayer.
Makakalaban ng RSG Slate Philippines ang Nexplay EVOS at ECHO para sa huling linggo ng regular season ng MPL PH Season 11.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.