Isa ang Gusion ngayon sa pinakamalalakas na hero sa kasalukuyang meta ng Mobile Legends: Bang Bang.
Sa mga nagdaang turneo gaya ng MLBB Professional League at ONE Esports MPL Invitational 2022 (MPLI 2022), kapansin-pansin ang pamamayagpag ng Mage/Assassin hero bilang midlaner at jungler.
Kasunod na siyempre nito ang pagdami ng picks na ‘to sa ranked games. Kaya naman bilang paghahanda para sa inyo, narito ang tatlo sa mga pinakamabibisang Gusion counter sa MLBB.
3 sa mga pinakamabisang Gusion counter sa MLBB
Maraming paraan para mapigilan ang isang Gusion, isang tipo ng hero na kailangang makalapit sa kalaban para makapatay. Para makontra, maaari itong hulihin sa mga crowd control o sabayan ng invulnerability para hindi makabitaw ng combo.
Ruby
Problema para kay Gusion si Ruby. Hindi dapat ipilit ang mga combo ng hero ‘pag may Ruby sa kalaban. Madali lang kasing i-execute ang CC ng Gusion counter na ‘to, at ‘di rin malabong ma-lockdown ito pagkapasok gamit ang Sword Spike.
Bilang Roamer, maaaring gawing unang item ng Ruby ang Radiant Armor para mabawasan ang damage output ng Gusion.
Hayabusa
Para naman sa mga jungler na mabisang Gusion counter, si Hayabusa ang sagot.
Problema para kay Gusion kung paano makaka-combo sa naturang Assassin dahil sa Ougi: Shadow Kill, lalo na kung masasaktuhan ang timing. Untargettable at invulnerable kasi si Hayabusa sa kahabaan ng ultimate niya.
Problema rin ang mobility ng hero. Kaya nitong makapag-split push at maunahan si Gusion sa rotation.
Minsitthar
‘Di man masyadong napapansin sa professional scene o maging sa matataas na lebel ng ranked games pero solid na Gusion counter at sa mga malilikot na hero si Minsitthar.
Bukod sa taglay nitong kakunatan, na hindi basta-basta mabu-burst ng magic damage, ang ultimate nitong King’s Calling ay nagbabawal din kay Gusion na makagamit ng Incandescence.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.