Ibinunyag ni Coach Kristoffer Ed “BON CHAN” Ricaplaza na may balak sana ang Blacklist International na gamitin ang Gusion noong kampanya nila sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022).

Naging mainit sa sa professional scene ang naturang Mage/Assassin hero matapos ang revamp nito. Napasilip sa MPL Philippines Season 10 ang lakas nito bilang midlaner, pero napatunayan ang puwesto nito sa kasalukuyang meta matapos itong gamitin ng mga koponan mula MPL Indonesia bilang jungler.

Isa rin ang hero na ‘to sa nagsilbing susi sa naging kampanya ng Geek Fam ID sa MPLI 2022. Sa katunayan, ginamit ng Pinoy jungler na si Jaymark “Janaaqt” Lazaro ang Gusion sa serye kung saan tinalo nila ang Blacklist International.

May nakahanda sanang Gusion strategy ang Blacklist International para sa MPLI 2022, pag-amin ni Coach BON CHAN
Credit: ONE Esports

Kaya nang tanungin ng ONE Esports ang dekoradong coach ukol sa kanyang palagay kay Gusion, ibinahagi niyang kasama sa mga napaghandaan nila ang pag gamit sa naturang hero.

Sa tatlong posisyon daw maaaring gamitin ng Blacklist International ang Gusion, ani Coach BON CHAN

May nakahanda sanang Gusion strategy ang Blacklist International para sa MPLI 2022, pag-amin ni Coach BON CHAN
Credit: Moonton

Hindi ipinagkaila ni Coach BON CHAN na naging meta sa MPLI 2022 ang tinaguriang ‘Lethal Burst Meta’ na pinagbibidahan ng mga hero tulad ng Gusion at Aaamon.

“Noong time na ‘yun, oo. Dahil ayun nga, nagkaroon ng patch, then sa mga Pinoy nauso Martis, then sa mga Indonesia, Gusion diba? Naging meta naman din talaga,” paliwanag niya.

Martis naman ang hero na nakaselyo sa 3rd-4th place ng RSG Philippines. Sa haba ng naging kampanya nila, hindi nabigo ang rookie jungler na si John “1rrad” Tuazon na makapagpakitang-gilas gamit ang naturang Fighter.

Kung hindi nga raw maagang nalaglag ang Blacklist International sa turneo ay magpapamalas din sila ng sarili nilang atake sa nabuong meta.

May nakahanda sanang Gusion strategy ang Blacklist International para sa MPLI 2022, pag-amin ni Coach BON CHAN
Credit: ONE Esports

“Oo,” sagot niya nang tanungin kung gagamitin ba sana nila ang Gusion. “Pero ang tanong—sino? ‘Yun ‘yung surprise sana eh!”

Dagdag ni Coach BON CHAN, maaari raw nila itong gamitin sa tatlong posisyon—gold lane, jungle, at midlane.

May nakahanda sanang Gusion strategy ang Blacklist International para sa MPLI 2022, pag-amin ni Coach BON CHAN
Credit: MPL Philippines

Matatandaang isa ang Gusion sa mga kilalang hero ni Danerie James “Wise” Del Rosario bago siya maging kilabot ng mga utility jungler. Kaya naman nang tanungin kung may tsansa pang makita ang manlalaro gamit ang kanyang hero, hindi naman sinarado ni Coach BON CHAN ang posibilidad.

“Classic Wise ‘yun eh, syempre naman may tsansa,” paniniguro niya. “Pero kasi ngayon na-nerf si Gusion diba? ‘Yun nga lang, hindi pa natin nakikita kung gaano kalaki yung na-nerf sa kanya, pero palagay ko usable pa rin talaga.”


Bago depensahan ng Blacklist International ang kanilang titulo sa M4 World Championship, nakatakda rin nilang katawanin ang Pilipinas bilang SIBOL sa 14th World Esports Championship ng International Esports Federation (IESF), simula sa ika-26 ng Nobyembre.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: May paalala si Coach BON CHAN sa nagsasabing hindi raw sineryoso ng Blacklist International ang MPLI 2022