Opisyal na nagsimula ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season11 ( MPL ID S11) nang makaharap ng Rebellion Zion ang Aura Fire sa pambungad na laban, at ang Gloo roamer ang highlight ng pinakahihintay na laban na I’to.
Sa pinakahuling patch ng MLBB ay makikita ang ilang mga nerf na ibinigay kay Gloo, dahil sa itinuturing ito na masyadong malakas sa nakaraang patch. Ngunit kung pag-aaralang mabuti, ang hero ay kakikitaan pa rin ng pambihirang potensyal at lakas.
Bilang roamer, Bernard “Widjanarko” Widjanarko ng Rebellion Zion ay naghatid ng mabilis na tagumpay para sa kanyang koponan.
Bakit epektibo ang Gloo roamer?
Kayang maging mahusay na roamer ni Gloo dahil mayroon itong dalawang mahalagang factors para sa isang roamer, katulad ng pagbibigay ng solidong depensa sa pamamagitan ng pag-absorb ng damage ng kalaban, at pagkakaroon ng mga CC (crowd control) skills upang magbigay ng mga pagkakataong umatake ang mga teammates.
Hindi lang ‘yon, ang mga kalaban na tinamaan ng skills ni Gloo ay magkakaroon ng damage reduction penalty. Kung sakaling maipit ka sa isang mahirap na sitwasyon, maaaring gamitin ni Gloo ang kanyang ultimate skill para maka-counterattack o palakasin ang kanyang HP regeneration.
Gloo roamer emblem
Ang pinaka-angkop na emblem para kay Gloo bilang roamer ay ang Support emblem. Magandang piliin at i-maximize ang Movement Speed Boost at ang Hybrid Regen. Ito ay para mas makapag-spam ng mga skill, pati na rin sa mas madaling paghabol sa mga kalaban (ang pagkakaroon ng movement speed ay nakakabuti para mas madaling makita ang kalaban at mas madaling makakapag-parami ng stacks.
Para naman sa talent, piliin ang Avarice dahil si Gloo ang tipo ng hero na palaging nagbibigay ng damage sa kalaban. Ang epekto ng Talent na ito ay magbibigay ng karagdagang gold na siyempre lubhang kapaki-pakinabang para sa iyo.
Gloo roamer item build
Ang unang item ng Gloo roamer na kailangan mong gawin bago ang iba pang mga item ay ang Molten Essence. Ang karagdagang HP mula sa item na ito ay talagang makakatulong sa mga frontline heroes tulad ni Gloo. Bilang karagdagan, ang passive effect ng Burning Soul ay magiging capital damage sa unang bahagi ng game, dahil ang hero na ito ay mahilig dumikit sa kanyang target.
Pagkatapos ay bumuo ng Tough Boots upang harangan ang magic damage sa early game. Palagi kang makakatagpo ng mga kalabang midlaner sa lane man o sa rotation. Para dito ay kailangan mo talaga ng magic defense.
Panghuli, kailangan mo ng Steel Legplate na upang palakasin ang physical defense. Kalaunan, ang item na ito ay maaaring i-upgrade sa Blade Armor o Dominance Ice depende sa mga pangangailangan ng laban.
Bukod sa tatlong items na ito, ang susunod na built item ay maaaring iakma ayon sa draft ng kalaban at sa mga pangangailangan ng team.
Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.