Ipinaliwanag ng EXP laner ng ONIC Esports na si Butsss kung gaano talaga kalakas si Gloo sa pinakabagong MLBB patch 1.7.44. Dahil dito, naging isang sikat na pick ito sa M4 World Championship na kasalukuyang ginaganap.  

Hanggang sa tatlong araw ng M4 group phase, naging isa sa hindi malilimutang heroes si Gloo sa draft pick phase, matapos itong piliin at ma-ban kasama ang tatlo pang ibang heroes na si Karrie, Joy, at Wanwan.  

Credit: Moonton

Sa 21 games na nalaro hanggang sa pangatlong araw ng group phase, lumabas ang hero na ito sa loob ng anim na beses at na-ban nang 16 na beses. Sa kaniyang anim na appearance, nagkaroon siya ng 50% win rate.  

Kahit na hindi garantisadong panalo ito para sa team, ipinakita ng statistics na ito na isang top priority ang hero na ito sa EXP lane. At kinikilala rin ito ni Butsss. 

Tinawag na ‘invincible’ ni Butsss si Gloo pagdating sa laning phase 

MLBB Gloo ban ayon kay Butsss
Credit: ONE Esports

Pagdating sa kaniyang lakas sa pinakabagong MLBB patch 1.7.44, sinubukang alamin ng ONE Esports mula kay Butsss na isa ring EXP laner. Bagamat hindi pa niya ito nagagamit, alam na niya ang lakas nito.  

Inilarawan ni Butsss sa ONE Esports na ang 104th MLBB hero ay karapat-dapat na maging top choice para sa lahat ng teams sa EXP lane. Ito ay dahil wala umano’y makakatalo rito pagdating sa laning phase na syempre ay napaka-importante para sa lahat ng teams.  
 
“In my opinion it is appropriate to be immediately banned. The problem is that Gloo cannot be beaten in terms of the laning phase. So it’s like, he can kill one lane,” sinabi ni Butsss sa ONE Esports. 

Mga pagbabago kay Gloo sa MLBB patch 1.7.44 

Credit: Moonton

Sa patch 1.7.44, nakatanggap ng maraming buffs si Gloo, ngunit mayroon ding nerfs para sa kaniyang tatlong skills. Ito ng mga detalye:  
 
Skill 1 – Slam, Slam 

  • Kaunting pagbaba ng cast range at pagtaas ng Goo trigger range 
  • Bumaba ang Slam Damage mula sa 260-360 patungong 200-300 
  • In-adjust ang Explosion Damage mula sa 250-300 + 80% total magic power patungong 200-300 + 8% Max HP 
  • New Effect: Ang pag-restore ng 3% Max HP sa tuwing sumasabog ang Goo  

Skill 2 – Pass, Pass 

  • Kaunting pagbaba ng throwing range at forward swing time 
  • Pagbaba ng Base damage mula sa 250-300 patungong 100-200 

 
Ultimate – Split, Split 

  • Removed Effect: Hindi na bababa ang cooldown ng skills 1 at 2 matapos mag-board ng kalaban 
  • HP Regen sa Split form, bumaba ang Split mula 3-3.5% patungong 1.5-2.5%