Ang misteryosong Swap Spirit na si Gloo ay nag-debut na sa Mobile Legends: Bang Bang bilang pinakabagong tank hero ng laro. 

Dahil sa kaniyang unique at blobby appearance, tiyak na mangingibabaw siya kumpara sa ibang mga tanks. Kung na-eenjoy mo kumain ng mga enemy heroes gamit si Barats, tiyak na magugustuhan mo din sakyan ang mga ito gamit ang ultimate ni Gloo na Grab, Grab.
 

Ultimate – Split, Split 

Nahahati si Gloo sa 12 sa loob ng sasmpung segundo. Bawat Goo ay may 25% HP, at sa oras na ito, maaraming gumalaw nang mas mabilis dahil mayroon itong 25% increase sa Movement Speed.

Nababawi ni Gloo ang 4%/4.5%/5% ng kaniyang max HP kada isang segundo at nagdudulot ng 120 (+25% Total Magic Power) Magic Damage kada 0.25 segundo para ma-target ang kaniyang impacts.

MLBB Gloo Hero Spotlight
Credit: Moonton

Grab, Grab 

Kumapakit si Gloo sa kaniyang target enemy hero gamit ang full Sticky stacks, at nakakabawi agad ito ng 30%/32.5%/35% ng kaniyang sarili max HP, habang nag-ca-cast ito ng skills nang may kalahating cooldowns.

Ang kaniyang Basic Attacks ay nagdudulot ng 120 (+50% Total Magic Power) Magic Damage sa kaniyang kasalukuyang lokasyon. 80% ng damage na natatanggap niya (bago ng damage reduction) ay pinapadala sa kaniyang host bilang Magic Damage. 20% ng ito ay nabawi bilang sariling HP (hindi aksama ang damage mula sa Turrets). Ito ay tumatagal ng siyam na segundo.

Goo, Goo ni Gloo

Maaring iwanan ni Gloo ang kaniyang host bago matapos ang effect duration.

  • Mayroong dalawang parte sa ultimate ni Gloo. Kapag ikaw ay unang nag-cast ng Split, Split, si Gloo ay mahahati sa 12 na mas maliliit na blobs.
  • Maaring I-target ng mga towers ang mga maliliit na blobs na ito, at maari mong gamitin ang mga ito para tumanggap ng hits para saiyo.
  • Salamat sa kaniyang mas mataas na movement speed at HP regen, maari mong gamitin ang Split, Split para makatakas sa mga delikadong sitwasyon. Maari mo rin itong gamitin para humabol ng enemy heroes.
  • Kung sakaling gagawin mo ito, gagamitin mo ang passive ni Gloo na Stick, Stick. Sa max stacks, ang skill icon ay magiiba sa Grab, Grab. Kapag ni-recast mo ito, kakapit si Gloo at sasakyan ang malapit na enemy hero.
  • Ang best case scenario ay kung nakamit mo ang max Stick, Stick stacks sa maring kalaban para makakapili ka kung kanino ka mag-Grab, Grab. 
  • Kapag nakakapit na ito, hindi mo na makokontrol ang galaw ni Gloo. Dahil ito ay piggyback lamang. Ngunit pwede mong gamitin ang iyong first at second skill, at ang basic attacks. Alalahanin mo na ikaw ay dapat laging umaatake.
  • Ang ibig sabihin nito ay kung ikaw ay gumamit ng skill one at two combo, pwede mong I-drag ang enemy hero saiyong mga teammates!
  • Maari kang bumitaw sa host mo sa pamamagitan ng pagpindot ng iyong ultimate skill uli kung gusto mo ito matapos nang maaga.
     

Passive – Stick, Stick 

Nakakatanggap ang kalaban ng isang stack ng Sticky sa tuwing sila ay tinatamaan ng skills ni Gloo, at dahil diyan, bumababa ang kanilang Movement Speed nang 6% sa loob ng anim na segundo. Hanggang limang beses ang stack.

Bawat stack ng Sticky sa kalaban ay nagpapabawas ng kanilang damage kay Gloo nang 8%.

  • Malalaman mo kapag na-mark mo ang isang target gamit ang kaniyang passive. Tignan mo lang ang purple indicator sa ibabaw ng kanilang ulo!
  • Hindi maaring magamit ang passive sa minions, sa enemy heroes, jungle monsters, Turtle, at kay Lord lang.
  • Alalahanin na may dalawang epekto ang kaniyang passive: mas mababang movement speed ng enemy heroes at mas mababang damage na matatanggap.

Unang skill – Slam, Slam 

Mag-aabot si Gloo at hahampasin ang lupa, at magdudulot ito ng 360/400/440/480/520/560 (+80% Total Magic Power) Magic Damage sa kalaban.

Sa huling lokasyon, isang Goo ay naiwan, at matapos ang tatlong segundo, sasabog ito para magdulot ng 270/300/330/360/390/420 (+60% Total Magic Power) Magic Damage sa malapit na kalaban, para sila ay hindi makagalaw sa loob ng isang segundo. Maari rin pasabugin ni Gloo ang Goo pag hinawakan niya ito.

  • Mayroong dalawang parte sa Slam, Slam. Ang unang AoE ay magdudulot ng instant magic damage sa kalaban. Matapos ang delay nang tatlong segundo, ang naiwan na Goo ay sasabog, at magdudulot ng mas onting damage kumpara sa unang tira.
  • Kung gusto mo na sumabog agad ang Goo, I-position mo si Gloo para lakaran ito.
  • Ito ang iyong bread and butter ability na magagamit mo pang-poke. Ito rin ang unang skill na pwede mong I-cast sa iyong basic combo.
     

Second skill – Pass, Pass 

  • Humahaba si Gloo para magdulot ng 325/350/375/400/425/450 (+50% Total Magic Power) Magic Damage sa mga kalaban sa daan niya, para sila ay hindi makagalaw nang 0.5 na segundo.
  • Kung ang skill na ito ay tatama sa isang Goo, si Gloo ay pupunta dito, habang kinakaladkad ang mga kalaban sa daan niya.
  • Katulad ng kaniyang unang skill, ang kaniyang pangalawang skill na Pass, Pass ay may dalawang epekto. Kung gagamitin mo lang ito sa kaniyang sarili, hindi makakagalaw ang kalaban sa maikling panahon.
  • Pagsamahin mo ito sa isang Goo para makapag-chain crowd control: para hindi makagalaw ang kalaban at sila ay ma-di-displace.
  • Mas mahaba ang range ng Pass, Pass kesa sa Slam, Slam, kaya mas madali para saiyo na mag-cast ng parehas na skills nang sunod sunod nang hindi mo ito na-mi-miss.
  • Ibig sabihin nito ay maari mo ring gamitin ang mas mahabang range ng Pass, Pass para tapusin ang kalaban na may mababang HP.

Tips and tricks 

  • Ang pag-equip ng Tank Emblem ay isang natural na pagpili para kay Gloo. Kumuha ng Vitality para magkaroon ng extra HP, at Inspire para bumaba ang cooldown. Para naman sa Talents, depende sa iyong playstyle, maari mong piliin ang Brave Smite para sa extra HP, o di kaya magdulot ng extra damage gamit ang Concussive Blast.
  • Pagdating naman sa mga Battle Spells, nakakatulong ang Flicker para makapag-engage si Gloo. Ang iyong una at pangalawang skills ay hindi long-ranged abilities, kaya makakatulong ang Flicker para gulatin at makalapit sa kalaban. Maari mo ring gamitin ang Vengeance.
  • Para naman sa equipment, ang Courage Mask, tulad ng Flicker, ay makakatulong saiyo sa pag-engage. Dahil binigyan nito si Gloo ng mas mataas na movement speed, kasabay pa ng pampalakas sa offensive powers ng iyong mga allies, ikaw at ang iyong team ay isang malaking threat.
  • Ang Tough Boots ay dapat gamitin dahil nagpapabawas ito ng crowd control duration, habang ang Oracle ay isang core na nagbibigay kay Gloo ng karagdagang regenertion effects at mas maraming cooldown reduction.
  • Kung mayroon mang mataas na physical damage dealers sa team ng kalaban, magiging importante ang Antique Cuirass para sa physical defense. Sa huling parte ng laro, syempre, importante ang Immortality.
  • Bilang tank ng iyong team, pumunta ka sa mid lane sa level one at maghanap ng kills. Sa ibang panahon, pumunta ka sa side lanes para sa ganks. Sa mga team fights naman, mag-initiate ng carries sa kalaban. Kung maari, kumapit ka sa kanila gamit ang Grab, Grab at gamitin ang iyong basic skill one at two combo para mapadala mo ang kalaban sa iyong team.
  • Sa pangkalahatan, hindi mahirap ma-master si Gloo. Ang kaniyang basic combos ay umiikot lamang sa skills one at two, na madali lang magawa ng mga players. Ang kalakasan ng kaniyang ultimate ay dumidepende sa timing, posisyon, at assessment ng sitwasyon ng player.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: BennyQT may tip para sa mga marksman users