Niyanig ng Geek Fam ID ang mundo ng Mobile Legends competitive play matapos malampasan ang dekoradong Blacklist International sa quarterfinals ng MPL Invitational 2022. Dominasyon ang ipinakita ng koponan ni Allen “Baloyskie” Baloy kontra sa kampeon ng MPL PH na itinumba nila sa 2-0 score para bigyang-daan ang kanilang Cinderella run.
Mabibilang ang nagpalagay na magagawa ng hanay ni Baloyskie ang magapi ang itinuturing na numero unong team sa mundo, lalo pa’t kagagaling lamang nila mula sa 8th place finish noong MPL Indonesia Season 10.
Gayunpaman, maaalalang mapanganib na din ang Geek Fam ID sa S10 kung saan natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa playoff contention hanggang sa huling linggo ng kanilang kampanya. Kaya naman, hindi maitatanggi na may tira ang Geeks sa Land of Dawn.
MPLI 2022 stats: Geek Fam ID dinomina ang kumpetisyon
Kung napabilib na ang mga nakasaksi sa pagtindig ng Geek Fam ID sa magiting na Blacklist International sa gumulong na MPLI 2022 quarterfinals ay mas nakakamangha ang ginawa ng koponan kung susuriin ang stats. Sinalamin ng mga naitalang numero kung paano, at gaano nanaig ang Indonesian team ni Baloyskie.
Exp Lane | Edward (KDA 1.85) vs Luke (KDA 6.75)
PLAYER | MATCH | HERO | K | D | A |
Edward | Game 1 | Terizla | 4 | 5 | 34 |
Luke | Game 1 | Grock | 2 | 2 | 11 |
Edward | Game 2 | Esmeralda | 2 | 2 | 4 |
Luke | Game 2 | Fredrinn | 1 | 2 | 13 |
Mid Lane | Hadji (KDA 2.25) vs Aboy (KDA 6.5)
PLAYER | MATCH | HERO | K | D | A |
Hadji | Game 1 | Valentina | 2 | 3 | 6 |
Aboy | Game 1 | Faramis | 1 | 2 | 12 |
Hadji | Game 2 | Valentina | 5 | 5 | 5 |
Aboy | Game 2 | Yve | 5 | 2 | 8 |
Gold Lane | Oheb (KDA 2.83) vs Caderaa (KDA 8.33)
PLAYER | MATCH | HERO | K | D | A |
Oheb | Game 1 | Claude | 2 | 3 | 6 |
Caderaa | Game 1 | Irithel | 2 | 1 | 14 |
Oheb | Game 2 | Claude | 4 | 3 | 5 |
Caderaa | Game 2 | Irithel | 4 | 2 | 5 |
Jungler | Wise (KDA 2.0) vs Janaaqt (KDA 4.5)
PLAYER | MATCH | HERO | K | D | A |
Wise | Game 1 | Akai | 1 | 4 | 6 |
Janaaqt | Game 1 | Aamon | 14 | 3 | 4 |
Wise | Game 2 | Akai | 1 | 4 | 8 |
Janaaqt | Game 2 | Gusion | 6 | 3 | 3 |
Roamer | Ohmyv33nus (KDA 1.80) vs Baloyskie (KDA 4.28)
PLAYER | MATCH | HERO | K | D | A |
Ohmyv33nus | Game 1 | Lolita | 1 | 6 | 5 |
Baloyskie | Game 1 | Ruby | 2 | 2 | 14 |
Ohmyv33nus | Game 2 | Lolita | 2 | 4 | 10 |
Baloyskie | Game 2 | Mathilda | 2 | 5 | 12 |
Sa Kills/Deaths/Assists statistic, nakapagtala ang MPL PH champions ng 24/39/58 KDA para humantong sa 2.10 KDA ratio. Samantala, nakakalawit naman ang Geek Fam ID ng 39/24/96 KDA para sa 5.62 KDA ratio.
Bagamat hindi palaging nasasaklaw ng KDA ratio ang mga nagaganap sa loob ng mapa ay eksepsyon ang quarterfinal match na ito sapagkat kung ano ang ipinakita ng numero ay siya mismong sumalamin sa dominasyong ipinakita ng Geek Fam ID.
Kaya naman ang coach ng team na si Ruben Sutanto, hindi naitago ang galak sa ipinamalas ng kaniyang koponan. . “So proud of them, especially Baloyskie who helped the team to grow. Luke, as always, strong in teamfight and laning. Super marksman CADERAA. Janaqt the jungle god. Aboy, even though he’s new to the team, he’s trying hard to fit in,” aniya.
Sundan ang pinakahuli sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow ng ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Ito ang komento ni Tryke pagkaraang magapi ng Geek Fam ID ang Blacklist International sa MPLI 2022