Inapula ng Geek Fam ID ang Aura Fire nang makaharap nila ito sa ikalawang pagkakataon sa regular season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10).

Inihandog ng koponang pinangungunahan ni Allen “Baloyskie” Baloy ang ika-apat na sunod na pagkatalo ng kanilang kalaban matapos ilantad ang kahinaan ng gold laner nitong si Leonardo “Kabuki” Agung.

Kinailangan mang laruin ang lahat ng tatlong mapa ng best-of-three serye, napagtagumpayan pa rin ng Geek Fam ID ang bakbakan matapos mabilis na makapag-adjust mula sa draft ng Aura Fire noong game one.


Cheese Minsitthar at Yve combo ng Aura Fire, na-check agad ng Geek Fam ID

Geek Fam ID pinahaba ang losing streak ng Aura Fire sa MPL ID S10
Credit: ONE Esports

Kilala ang Aura Fire bilang tipo ng koponan na mahilig sumalalay sa cheese picks. Ngayong season, ang baon nila para sa liga ay ang Minsitthar at Yve combo, na dinagdagan pa ng Jawhead jungler.

Nakatanggap ng buff noong nakaraang patch sina Minsitthar at Jawhead kaya’t agad itong pinili ng Aura Fire. Hindi nasagot ng Geek Fam ID ang lakas ng nila pag dating sa team fight sa unang mapa, pero nahanapan nila ito ng lunas pagpasok sa ikalawa.



Pinagamit nila ng Lylia ang midlaner nilang si Lzuraa habang Mathilda naman ang kinuha ni Baloyskie para sa kanyang sarili. Nakatulong ang Guiding Wind para maka-disengage mula sa team fight initiations ng Aura Fire.

Nang ma-check ang cheese pick nila, bumalik na sa mga meta pick ang Aura Fire. Nakalamang sila sa ikatlong mapa ng laban pero nanaig ang lakas ng Geek Fam ID sa late game.

Geek Fam ID pinahaba ang losing streak ng Aura Fire sa MPL ID S10
Credit: ONE Esports

Muling napatunayan ni Luke kung bakit siya ang pinakamagaling na Fredrinn user sa liga. Nauubos lang ang skills ng kanilang kalaban sa kanyang kunat, dahilan para makabwelo ang mga kakampi niyang Ling, Lylia, at Melissa.

Dahil sa panalo kontra Aura Fire, napanatiling buhay ng Geek Fam ID ang kanilang pag-asa na makatawid sa playoffs ng MPL ID S10.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ika-4 na sunod na talo ng EVOS Legends, inihain nina Baloyskie at Janaaqt ng Geek Fam ID