Popular ang mobile games sa Southeast Asia. Ito ang most-played platform sa rehiyon—at ang Mobile Legends ang hari sa kanilang lahat.
Ni-revisit sa Gamer’s Paradise Episode 12 ang hit esports title ng Moonton kasama ang mga caster na sina Karl “Rockhart” To at Rachael “Aeterna” Melati. Kung ang Episode 1 at 2 ay tinalakay ang competitive scene at qualities na kailangan para maging isang pro player, ang episode na ito ay patungkol sa pag-master mismo ng laro.
Dahil malakawak ang pagpipilian ng heroes at maraming skills ang kailangang matutunan, tahanan ang Mobile Legends sa walang katapusang posibilidad. Gayunpaman, may mga hero pa rin na angat sa iba.
Dito rin sa Gamer’s Paradise Episode 12, hinamon ni host Eri Neeman ang guests na magdebate sa isang tanong na tila imposible masagot: Ano ang pinakakinakatakutang ultimate sa Mobile Legends?
Ibinalik tayo ng Gamer’s Paradise Episode 12 sa Mobile Legends
“My pick is Dawning Light, from one of the most recently released heroes named Xavier,” sabi ni Rockhart. “Dawning Light basically creates a huge laser that cuts through the map, even reaching the enemy’s base. It does really good damage to all enemies in a line.”
Ni-release ang Mage hero na si Xavier noong Marso at agad na nagpasiklab sa competitive scene. Nakakita ang pro players ng halaga sa kanyang abilidad na mag-set up ng plays dagdag pa ang kanyang malakas na early game damage.
Sa kabilang banda, pinili naman ni Aeterna ang ultimate ni Valentina na I Am You. “I think a lot of ultimates are very valuable, and the fact that you’re able to take them for your own benefit is quite OP,” paliwanag niya.
Si Malaysian caster Aiman “Laphel” Kamal—kilala sa kanyang nakakatawa at liberal na translations ng player interviews—naman ang bida ng Hero Story ng Gamer’s Paradise Episode 12.
Tinatanaw ang hinarahap ng Mobile Legends scene sa rehiyon, inihayag ni Laphel ang kanyang pagnanais na makita ang Malaysian scene na mas nagsasalita.
“I want Malaysia to be more outspoken about what they’re really thinking, instead of being so reserved,” wika niya. Sa madaling salita, gusto niya ng mas marami pang trash talk.
Sa House Party naman ng Gamer’s Paradise Episode 12 , naglaro ng reverse MLBB Pictionary sina Rockhart, Aeterna at Laphel. Hinulaan nila ang iba’t-ibang hero base sa mga clue at nagsagot sa anyo ng mga drawing. Marahil ito na ang isa sa pinakamahirap na twist sa Pictionary ng show sa ngayon.
Umeere ang Gamer’s Paradise tuwing Lunes sa social channels ng ONE Esports, kasama ang Facebook, Twitch, YouTube at AfreecaTV sa ganap na 8:30 ng gabi GMT+8.
Mapapanood din ito sa Facebook page ng ONE Esports Philippines kung saan matatagpuan din ang balita at guides tampok ang iba’t-ibang esports titles.
Ito’y pagsasalin ng akda ni Wanzi Koh ng ONE Esports.
BASAHIN: Gamer’s Paradise Episode 9 recap: Alin ang best Dota 2 heroes na gamitin pampataas ng MMR?