Nakipag-team up ang Moonton sa football icon na si Neymar de Silva Santos Júnior, o mas kilala bilang Neymar Jr, para sa malupitang Mobile Legends: Bang Bang collaboration na nagsimula ngayong buwan.
Ang MLBB x Neymar Jr ang ikalawang collaboration ng Moonton sa mga kilalang sport icon. Nauna ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nang ilabas si ang Fighter na si Paquito noong nakaraang taon.
Tampok sa MLBB x Neymar Jr ang dalawang bagong skins, kung saan ang isa ay maaaring makuha nang libre. Meron ding eksklusibong emotes, battle effects, at in-game items na maaaring makuha ng mga lalahok sa event.
Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa MLBB x Neymar Jr collaboration, kabilang na ang schedule at kung paano makukuha ang libreng skin.
Ang Neymar Jr Bruno skin ang isa sa dalawang bagong skins sa MLBB x Neymar Jr
Ang unang event, Root for Neymar Jr, ay nagsimula noong ika-19 ng Nobyembre. Kailangang makumpleto ng mga player ang iniatas na tasks para makuha ang Signed Photos, na maaaring ipapalit para sa iba’t-ibang rewards, gaya ng libreng permanent Neymar Jr Bruno skin at eksklusibong emote.
Tatlong Signed Photos ang bayad sa isang draw, at tiyak na makukuha ang skin matapos ang 25 draws.
Maaaring mag-pre-register para sa event simula ika-11 hanggang ika-18 ng Nobyembre para makakuha ng libreng Signed Photos. Tatakbo naman ito hanggang sa ika-18 ng Disyembre.
Ang ikalawang skin, Halo Striker Bruno, ay makukuha mula sa Lucky Flip event. Dito, kailangang gumamit ng mga player ng diamonds para mag-flip ng deck na may siyam na cards at makabunot ng Lucky Cards. Nagsisimula sa 10 diamonds ang bawat flip.
Tatlong Lucky Cards ang kailangan para makuha ang Halo Striker Bruno skin. Maaari ring piliin ang Fairytaler Diggie o Iron Steed Hylos mula sa rewards tab.
Bukod sa skins, may iba pang events ang nakalinya ngayong buwan ng Nobyembre at Disyembre.
EVENT | SCHEDULE |
Battle points exchange event | Disyembre 3 to 9 |
EXP double day | Disyembre 10 to 12 |
Free spawn effect | Disyembre 17 to 19 |
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Jungler Carmilla napatunayang OP