Naglabas na ang Mobile Legends: Bang Bang ng isang introduction video para sa kanilang panibagong tank fighter hero, si Fredrinn. Ang hero na ito na may nickname na Rogue Appraiser ay malakas pagdating sa matagalang team-fights, att ang kaniyang skill mechanism ay dinisenyo para ilinlang ang mga kalaban na hindi matindi ang damage ni Fredrinn.
Ngunit ‘wag kang magkakamali, dahil ang bagong fighter tank na ito ay malakas mula sa early hanggang late game. Umaasa siya sa kaniyang malaking sibat at kayang-kaya niyang makipag-bakbakan sa maraming kalaban nang nagiisa.
Mayroon din siyang abilidad na baliktarin ang mga team fights dahil sa kaniyang passive skill na Crystalline Armor na nagbabalik ng mga nawalang HP. Mayroong dalawang pagpipilian ka lamang kung lalabanan mo si Fredrinn, ang patayin siya gamit ang mabilisang serye ng atake, o tumakas ka.
Kung mahilig ka maglaro ng mga tanky heroes tulad nina Gloo, Gatotkaca, o Terizla, saktong-sakto ang hero na ito para sa’yo.
Mga skills ni Fredrinn sa Mobile Legends: Bang Bang
Passive – Crystalline Armor
Kayang pabalikin ng Rogue Appraiser ang mga nawalang HP sa pamamagitan ng pagdulot ng damage sa mga kalaban.
Unang skill – Piercing Strike
Gagamitan ng espada ni Fredrinn ang kaniyang target para magdulot ng damage sa kalaban at pataasin ang damage ng kaniyang susunod na Basic Attack. Ang pag-atake sa hero ng kalaban gamit ang skill na ito ay magbibigay sa’yo ng Combo points.
Pangalawang skill – Brave Assault
Tatakbo papunta sa target si Fredrinn at magdudulot ng damage habang pinapabagal ang galaw ng mga kalaban. Pinapataas din ng skill na ito ang damage ng susunod na Basic Attack at nagbibigay rin ito ng Combo points.
Pangatlong skill – Energy Eruption
Matapos ilang sandali, nagdudulot ng damage ang skill na ito sa mga malalapit na kalaban at sila ay matutulig. Ang paggamit ng Energy Eruption ay magpapabawas ng cooldown ng Piercing Strike at Brave Assault. Kailangan ng Combo points para magamit ang skill na ito.
Ultimate skill – Appraiser’s Wrath
Gagamitan muli ng espada ni Fredrinn ang kalaban at magdudulot ng damage sa anyo ng isang cone. Ang mga kalaban na natamaan sa gitna ay makakatanggap ng extra damage. Kailangan ng tatlong Combo points para ma-activate ang skill na ito.
Panoorin ang full introduction video ni Fredrinn dito:
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Mobile Legends: Bang Bang.