Maliban sa ilang heroes at items, nilapatan din ng mga pagbabago ang battle spells na Flicker at Retribution sa pinakabagong Mobile Legends: Bang Bang patch 1.7.44 na nilabas noong ika-12 ng Disyembre.
Sa patch na ito, pinalakas ng Moonton ang Flicker na nagbigay ng bentahe sa mga manlalaro. Ngayon, ang isa sa mga paboritong battle spell ng players ay pwede nang ipares sa mas maraming skills.
Noon ay hindi pwedeng isabay ang nasabing battle spell sa skills na kailangan ng paggalaw. Pero dahil sa patch, marami na ang posibleng spells na i-combo dito, bagamat may ilan pa rin na hindi pwedeng gamitin.
Ang kombinasyon na ito ng skills sa Flicker ay pwedeng gamitin ng players para makapag-iba ng direksyon base sa anyo ng movement. Gayunpaman, para sa mga skill na naka-lock sa isang partikular na target area, hindi ito pwedeng gawin.
Lima na lang ngayon ang skills na hindi pwedeng gamitan nito. Ito ay ang mga ultimate abilities nila Gatotkaca, Atlas, Khaleed, Silvanna at Esmeralda.
Ginawa ito ng Moonton para siyempre panatilihin ang patas na paglalaro. Dahil na rin sa epekto ng mga nabanggit na ultimate skills, ipinagbabawal pa rin ang pag-combine ng mga ito sa Flicker para mabigyan ang kalaban na makaiwas.
Naniniwala si ONIC coach Aldo na sulit kay Kiboy ang buff sa Flicker
Ang buff na inilapat ng Moonton sa Flicker ay siguradong isa sa mga gagamitin ng MLBB players, kasama na ang mga pros na sasabak sa darating na M4 World Championship.
Ito ang pananaw ni ONIC Esports coach Ronaldo “Aldo” Lieberth. SA isang YouTube video ni MPL Indonesia caster-analyst Mochammad Ryan “KB” Batistuta, sinabi ni Aldo na masaya si roamer Nicky “Kiboy” Fernando sa pagpapalakas ng naturang battle spell.
Makikita rin sa kanyang pagsasalita at pagkilos na marami silang inihandang mga taktika para ma-maximize ang buff.
Mas madadalian naman ang junglers na mag-secure ng objectives dahil sa Retribution
Kaunti lang ang binago sa Retribution. Gayunpaman, napakaimportante pa rin ng buff na natanggap nito para sa mga jungler.
Mas madali nang mag-target ng neutral objectives gamit ang Retribution. Top priority na kasi ang Lord, Turtle, Orange Buff at Purple Buff kapag ginamit ito. Sa ganitong paraan, mas madaling ma-secure ang nabanggit na objectives at mas maiiwasang manakawan ng mga kalaban na hindi naman jungler.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Mobile Legends news, guides at updates.
Ito’y pagsasalin ng akda ni Verdi Hendrawa ng ONE Esports Indonesia.