Pinatunayan ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol na siya ang pinakamagaling na Fanny player sa buong Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10) matapos nilang talunin ang RRQ Hoshi noong ikalimang linggo ng regular season.
Walang duda na isa si Kairi sa mga jungler na may may pinakamataas na mechanical ceiling sa eksena. Kahit pa noong panahon na pabor ang meta sa mga Tank o Fighter jungler, patuloy ang pagpapakitang-gilas ng manlalaro sa mga Assassin hero.
Kaya’t nang magkaroon ng pagkakataon na ilabas ang Fanny ni Kairi, hindi napigilang magkpakitang-gilas ng manlalaro, kahit pa ilang beses siya naagawan ng buff at umabot ng late game ang laban.
Fanny ni Kairi bumida sa serye ng ONIC Esports kontra RRQ Hoshi
Sa unang bahagi ng season, madalas ay Tank jungler ang gamit ng Pinoy, gaya ng Akai at Balmond. Kaya naman nang magpresenta ang pagkakataon na makagamit ng Assassin sa ikalawang yugto ng Royal Derby ngayong season, hindi na napigilan ang pagwawala ni Kairi.
Sa lahat ng stage ng laro, pinakamalakas ang Fanny sa early hanggang mid game. Kayang-kaya kasi nitong makalibot sa mapa para makarespunde sa mga laban, pero humihina ang bisa nito pag dating sa late game kung kailan mas makukunat na ang mga kalaban.
Pero iba ang Fanny ni Kairi. Tagumpay kasi ang pag-pressure ng Hilda ni Vynnn sa kanya, lalo na tuwing sinusubukan niyang kumuha ng Purple buff. May ilang beses pa ngang naagawan siya, pero hindi nagpatinag ang Pinoy.
Natapos niya pa rin kasi ang laban na may walong kills at tatlong assists kontra tatlong deaths. Nagsilbing susi ang bilis ng kanyang pag-rotate at pagrespunde sa mga kakampi tuwing susubukan ng RRQ Hoshi na pumitas.
Nang tanungin ng ONE Esports si Ronaldo “Aldo” Lieberth, head coach ng ONIC Esports, inamin niyang iba ang Kairi ni Fanny kumpara sa ibang players.
“Perbedaan Fanny Kairi dengan user Fanny lainnya itu ketika dia tak diberikan buff berapa menit pun, asal timnya stabil dan bisa sabar, dia bisa main sampai late game sih,” sagot ni Aldo.
(Ang pinagkaiba ng Fanny ni Kairi sa ibang player ay ‘pag hindi siya nabibigyan ng buff ng matagal-tagal na panahon. Basta kasi stable ang koponan at kayang manatiling disiplinado ng manlalaro, kayang laruin si Fanny hanggang sa late game.)
“Itu mungkin kelebihan dan perbedaan dia dengan pemain Fanny lainnya. Kalau biasanya kan pemain Fanny ketika tidak dapat biru sudah pusing gitu,” dagdag niya.
(Iyon siguro ang bentahe at pagkakaiba ng Fanny ni Kairi sa iba. Nahihilo na agad ang ibang players ‘pag hindi sila nakakuha ng purple buff.)
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: ONIC PH binokya ang RSG PH, iseselyo ang unang playoff spot sa MPL PH S10