Nakuha ni Kyaw “ZIPPX” Bo ng Falcon Esports ang atensyon ng madla sa M4 World Championship. Hindi masyadong kilala bago magsimula ang tournament, ngunit dahil sa kanyang magandang performance ay nakuha niya ang pansin ng marami.
Isa is Falcon ZIPPX sa mga dahilan kung bakit maganda ang performance ng Myanmar team sa M4. Nagawa nilang talunin ang defending champion na Blacklist International nang dalawang beses sa group stage, naging dahilan ng pag-angat ng pangalan ng Falcon Esports.
Sa knockout phase, bumagsak ang Falcon laban sa ONIC Esports sa score na 3-0. Ngunit sa lower bracket ay nagawa nilang pauwiin ang S11 Gaming Argentina gamit ang kanilang agresibong play.
Parami nang parami ang nakakakilala kay ZIPPX. Ang magandang performance na ipinakita ng 18-year-old ang naging isa sa dahilan na nagmulat sa marami tungkol sa pagiging mabisa ng mage sa gold lane sa kasalukuyang meta.
ZIPPX naungusan ang dalawang beterano sa Falcon Esports
Noong una ay marami ang nalilito kung bakit si ZIPPX ang main gold laner ng team. Ito ay dahil merong dalawang kilalang pangalan na kabilang sa koponan, sina Swan “RubyDD” Aung at Pyae “Silent” Sone.
Nakilala si RubyDD bilang isa sa mga highlighted players noong M2 dahil sa kanyang nakakabilib na performance kasama ang Burnese Ghouls. Kamuntikan na siyang maging kampeon kung hindi lang napigilan ng Bren Esports.
Habang si Silent naman ang isa sa mga naunang players ng Falcon Esports mula pa noong magsimula ito. Bilang isang marksman user, walang duda ang kalidad at husay ni Silent.
Ngunit sa huli, si ZIPPX pa rin ang napiling maging main gold laner. Hindi nagbigay ng komento ang Falcon tungkol sa desisyon na ito. Ngunit pinatunayan ni ZIPPX ang kanyang husay sa paggamit ng mage at marksman sa gold lane.
Ang hindi alam ng marami ay nagwagi na ng tropeyo sa apat na tier B at C tournaments ang gold laner, gaya ng Smart Kingdon of Legends SEA Rivals, Mahar Invitational Cup, Top Clans 2022 Summer Invitational, at M4 Myanmar qualifiers.
Si Falcon ZIPPX nga ba ang best gold laner sa M4?
Dahil sa swabeng performance ni ZIPPX, marami ang nagsasabing isa siya sa mga pinakamahusay na gold laner sa M4. Gayunpaman, mukhang malayu-layo pa ang kelangan niyang lakbayin.
Kung titignan ang stats, hindi ganun kaagresibo si ZIPPX dahil hindi palaging nangunguna ang kanyang KDA dahil sa kanyang playstyle. Dagdag pa dito, natalo sila sa dalawang beses na gumamit ang player ng Irithel. Nangangahulugan na may kahinaan pa rin siya.
Alam niya ito at nang tanungin ng ONE Esports sa kanilang press conference, inamin ni ZIPPX na hindi siya karapatdapat na tawaging best gold laner.
“M4’s best goldlaner? I don’t think so. I’m just trying to give my best and keep learning,” pagpapakumbaba niyang sinabi.
“The best goldlaner on the M4 for me is Bennyqt from ECHO, because he’s very aggressive and his positioning is perfect,” dagdag pa niya.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.