Ang powerhouse ng Myanmar na Falcon Esports pa rin ang pinakamalakas na koponan sa rehiyon matapos nilang pangibabawan ang M4 qualifier kontra Fenix Esports, sa iskor na 3-1.

Sa tagumpay ng koponang ginagabayan ng Filipino coach na si Steven “Coach Dale” Vitug, naselyo nila ang pinakamalaking bahagi ng US$10,000 na prize pool at ang tiket para makalipad papunta sa Indonesia sa susunod na taon para maging kinatawan ng kanilang bansa sa M4 World Championship.

Falcon Esports ang kinatawan ng Myanmar sa M4 World Championship
Credit: Dale Vitug

Ito ang ikatlong beses na magsisilbi ang Falcon Esports bilang pambato ng Myanmar sa international stage. Nagtapos sila sa ika-apat na puwesto noong Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) bago magtagumpay sa Top Clans 2022 Summer Invitational.

Falcon Esports dinagit ang Fenix Esports para makuha ang tanging M4 slot ng Myanmar

Falcon Esports ang kinatawan ng Myanmar sa M4 World Championship
Credit: MSC 2022

Sinimulan ng MSC 2022 fourth-placers ang kanilang kampanya sa group stage bilang isa sa mga invited teams, habang ginapang naman ng Fenix Esports ang qualifier na nilahukan ng 256 teams.

Dikit ang unang mapa hanggang noong mahuli ng Team Fenix ang Karrie ni Pyae “Silent” Sone at Uranus ni Hein Min “yellowfhash” Khant sa midlane bandang 18-minuto.

Falcon Esports ang kinatawan ng Myanmar sa M4 World Championship
Credit: ONE Esports

‘Di naman akalain ng Team Fenix na ito na pala ang huling pagkakataon na makaka-angat sila sa best-of-five na serye. Flawless ang naging performance ng Team Falcon sa ikalawa hanggang ikatlong mapa, kung saan bumida ang Fanny ni Kenneth “Kenn”. Nagtala siya ng 11 kills at apat na assists nang hindi namamatay para itulak ang serye sa match point.

Pinako ng Falcon Esports ang kanilang tagumpay salamat sa Maniac ng Melissa ni Silent. Habang pinagtutulungan kasi ng Fenix Esports na patumbahin ang Atlas ni Min “Naomi” Ko, isa-isa silang pinitas ng naturang gold laner para matapos ang laro.



Sa tagumpay ng koponan, si Coach Dale na ang ikalawang Filipino coach na sasabak sa M4 World Championship kasama ang koponan mula sa ibang rehiyon. Una si John Michael “Zico” Dizon, ang coach ng pambato ng Cambodia sa turneo na BURN x Team Flash.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: MPL PH S10 playoffs: Schedule, resulta, format, mga koponan, at saan mapapanood