Hindi nagpapaawat ang The Valley sa kanilang pag-arangkada sa M4 World Championship upang patunayan na kaya pa rin nilang pumalag sa mga pinakamahuhusay na koponan.
Sa kanilang pagharap sa TODAK, tinapos ng team ni Michael “MobaZane” Cosgun ang laban sa score na 2-0. Patunay din ito sa kanyang sinabi na mas preparadona ang kanyang koponan, hindi tulad noong group stage.
Kinakailangan ngayon ng The Valley na manalo pa nang dalawang beses kung nais nilang tapatan ang naabot ng BTK noong nakaraang taon.
Sa kabilang banda, ang pagkatalo naman ng TODAK ang naging hudyat ng pagtatapos ng karera ng mga Malaysian teams sa M4. Bago ito ay pinauwi ng Incendio Supremacy ang isa pang kintawan ng Malaysia na Team HAQ.
EXP lane Joy susi ng tagumpay ng The Valley
Nagwawala sa M4 ang pinakabagong mage ng Land of Dawn, si Joy ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkapanalo ng The Valley laban sa TODAK.
Sa sobrang delikado ng bilis at poke damage ni Joy ay halos malula si Muhammad “CikuGais” Fuad sa impormasyon habang nilalabanan niya ito.
Sa dalawang games na naganap sa series, parehong lumabas si Joy sa EXP lane. At sinigurado ni Ian “FwydChickn” Hohl na magamit niya sa pinakamabisang paraan ang Flash of Miracle.
Sa tagumpay na nakuha ni FwydChickn para sa kanyang team ay mas lalo niyang napagtibay ang position ni Joy sa hero power order ng Land of Dawn. Napatunayan nang maaaring gamitin si Joy sa iba’t ibang roles, maging midlaner, jungler, o kahit pa roamer.
Magpapatuloy sa kanilang run sa lower bracket ang The Valley, kung saan susunod nilang makakaharap ang magwawagi sa pagitan ng RRQ Akira at Occupy Thrones.
Maaaring mapanood ang aksyon sa M4 World Championship nang live sa official YouTube channel ng MLBB.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.