Patok na patok sa mga manlalaro ng Mobile Legends ang inilabas na Yu Zhong at Kagura Exorcist skins. Bagamat hindi pa tapos ang event ay usap-usapan ngayon ang na-leak na skins para sa Granger at Hayabusa na pinapalagay na susunod na mga heroes sa nasabing skin line.

Kamakailan lamang ay nasabik ang fans ng laro ng biglaang ilabas ng Moonton ang Exorcist event kung saan magkakaroon ng tiyansa ang players na makuha ang swabeng balat para sa YZ at sa Kagura. Hindi maitatanggi na binago nito ang dating ng Fighter at Mage na mas astig ngayon suot ang kanilang Cyberpunk-esque ghost hunter looks.

Credit: Moonton

Sa opisyal na bilang ay dalawa pa lamang ang mga heroes na mayroong Exorcist skins ngunit nakaantabay na ang mga miron sa paglabas ng bagong-handog sa Granger at Hayabusa pagkatapos ng leak.

Nabuo ang nasabing bulong-bulungan matapos magpadala ng survey ang game developers sa live server, sampung araw lamang makalipas pagulungin ang event para sa Exorcist skins ng mga naunang hero.

Palagay ng iba ay sinadya ito ng Moonton ng sa gayon ay masukat nila kung gaano kapopular ang Exorcist skin lines sa mga manlalaro, na maaari din nilang gawing basihan para sa mga susunod na heroes na bibigyan ng mga susunod na balat gaya ng ginawa nila sa The Aspirants skin line.


Nakalinya na ba ang Granger at Hayabusa para sa Exorcist skins lineup?

Credit: Moonton

Base sa impormasyon na inilabas ng MLBB leaker na si Dafrixkun, si Granger at Hayabusa ang heroes na susunod na bibigyan ng balat sa patok na skin line. At talaga namang kapanapanabik ang hitsura ng mga ito.

Nakalinya ito sa pinadalang random skin survey ng Moonton sa in-game mail kung saan isinangguni sa players ang dalawang Exorcist skins para sa dalawang hero.

Credit: Dafrixkun

Sa survey para sa Granger, kakaiba ang dating ng Death Chanter na may pulang hairdo at puting coat na may nagliliyab na apoy sa mga gilid. Gayundin ang angas ng kaniyang armas na swabe sa Exorcist thme.

Para naman sa Hayabusa, all-black ang outfit ng assassin na mahahambing sa hitsura ng Ghost Rider ng Marvel Comics. Ngunit ang pinaka-astig sa get-up ng Crimson Shadow ay ang nag-aapoy na mga pakpak sa kaniyang likod, katuwang ng nagbabagang mga Katana.

Credit: Dafrixkun

Sa ngayon ay wala pang opisyal na anunsyo ang Moonton kung kalian ilalabas ang Exorcist skins para sa mga nasabing hero. Samantala, available hanggang November 16 ang event kung saan makukuha ang Yu Zhong at Kagura skins.

I-like at i-follow ang ONE Esports sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: ML Basic Build sa Melissa: Madaling item build at guide sa pinakamalakas na gold lane meta hero ngayon