Pinakita ng EVOS Legends na isa sila sa mga teams na kailangan bantayan sa MPL ID S10, matapos nilang patahimikin ang RRQ Hoshi at ONICE Esports – ang dalawa sa pinakamalakas na teams. Dumerecho sa tuktok ng standings ang White Tigers dahil dito. 

Puro pagdududa ang EVOS Legends noong umpisa ng season, lalong-lalo na nung nawala si Aura Fire. Ngunit halata ang naging pag-unlad nila. Nakita ang best composition nila kina Tazz, Sutsujin, Dreams, Clover, at Pendragon. 

Ang RRQ Hoshi na akala ng lahat ay ang pinakamalakas ay napahirapan nila. Tulad ng ONIC Esports, nagulat ang RRQ Hoshi sa gameplay ng mga White Tigers, at natalo sila 2-0. 

Isang unexpected hero choice ang ginawa ng EVOS Legends para talunin si Faramis 

Sa unang laro, hindi inaasahang pick choice ang ginawa ng EVOS Legends. Matapos tanggalin si Kadita noong tinalo nila ang ONIC Esports, naging kagulat-gulat ang paglabas ni Estes. 

MLBB Estes
Credit: Moonton

Pinakita ng EVOS Legends ang pinakamahusay na paraan para talunin si Faramis na kilala bilang pinakamalakas na hero sa kasalukuyang competitive MLBB scene. Ang paggamit nila kay Estes at Valentina ay naging isang epektibong paraan para patumbahin si Faramis. 

Walang tungkulin na bantayan ni Estes si Melissa sa early game kaya hindi masiyadong marami ang gagawin ni Skylar. Ang maganda dito ay malakas din ang midlane at exp lane. Dagdag pa riyan, kayang-kaya pigilan ni Sutsujin ang mga kalaban. 

MLBB RRQ Hoshi
Source: ONE Esports

Nalito ang RRQ Hoshi. Hindi sila makapag-split, hindi gumagana si Natalia at kung mayroong apat o limang wars, matatalo talaga sila dahil sa durability ni Valentina at kay Estes, kaya naman natapos na ang laro sa loob ng 11 na minuto lamang. 

Naging sandata ng EVOS Legends ang passive play sa pangalawang game 

MLBB EVOS Legends
Source: ONE Esports

Nahirapan ang EVOS sa pangalawang game. Hindi naging madali ang game na ‘to dahil ginalingan na ng RRQ Hoshi. 

Ang kanilang paggamit kina Balmond, Pacquito, at Claude ay nakakagamba ng loob hanggang sa umabot ang mid game. Nagkaroon ng pagkakataon ang RRQ Hoshi na tapusin na ang match, ngunit naging malakas ang defense ng EVOS dahil sa kanialng war discipline.  

Hanggang sa naitaob na ang sitwasyon. Nagwagi ang EVOS sa pag-kidnap kay Alberttt kaya naman nataranta ang RRQ Hoshi at umatras sila. Nanalo ang EVOS 2-0.