Kamakailan ay pumalaot ang pangalan ng EVOS Legends bilang isa sa mga teams na nangunguna sa offseason moves bilang paghahanda sa MPL Indonesia Season 11.
Kung ang Indonesian MLBB eksena ay nakatutok ngayon sa paghahanda sa M4 World Championships ngayong Enero, ang EVOS Legends management, abala sa kanilang preparasyon para sa MPL Indonesia Season 10.
Kamakailan ay pumalaot ang pangalan ng organisasyon bilang isa sa mga nangunguna sa offseason moves para sa kanilang tangkang buhayin muli ang pag-asa ng EVOS Fams sa MPL ID.
Umiingay ang balitang malaking pagbabago ang papagulungin ng EVOS ukol sa kanilang roster lalo pa’t kamakialan lamang ay naibalitang aalis na sa puder ng White Tigers ang mainstay jungler nilang si Ferxiic.
DeanKT inilahad na may ilang EVOS Legends players ang nasa transfer market
Isang kagulat-gulat na impormasyon ang lumabas mula sa dating Vice President ng EVOS Esports na si DeanKT sa isang live stream kasama ang ilan sa mga kilalang personalidad sa eksena tulad ni Luminaire, Rian (EVOS Divine Manager), Mada (EVOS Legends Manager), Ade Setiawan (EVOS Legends Analyst) at NatNat (EVOS Reborn Manager).
Ito ay matapos pumukol si Luminaire ng mainit na tanong sa ex-VP. “Man, you’re still in the player buying and selling group, aren’t there big transfers?”
Tugon naman ni DeanKT, nag-anunsyo na daw ang EVOS management tungkol sa pagkuha at pagpapakawala ng players sa nasabing groups.
“I’m honest, I’m honest, genuine, not lying and not gimmick. The only thing that has just announced (transfer of players) is EVOS,” wika niya sa Bahasa. “Yes, providing a list (transfer of players) only EVOS.”
Dito na gumulong ang mga hula nina Luminaire at Ade tungkol sa ilang players na makakasama sa nasabing transfer list at maaaring hindi na makalaro para sa bandera ng White Tigers sa susunod na season. Kasama sa mga nabanggit na pangalan ay sina Clover, Bajan, Cr1te, Ferxiic, VaanStrong, Dlar.
“There’s got to be Clover, seriously,” sambit ng dating midlaner ng EVOS . “There’s Clover, there’s Bajan, Cr1te,” added Ade. “VaanStrong, Ferxiic, Dlar, yes Dlar too,” pagtutuloy niya.
Sa kasalukuyan, pinapalagay na ang players na tumulong sa IESF WEC 2022 kampanya ng EVOS ay mabibigyan ng konsiderasyon para maging starters pagtungtong ng Season 11. Kaya naman ang EVOS Icon, inaasahan ding magdagdag ng bagong players. Haka-haka na manggagaling ang mga ito sa EVOS Academy.
Kung tunay nga ang balita ay siguradong magiging bomba ang pagsisimula ng taon pagkatapos ng M4.
Pagsasalin ito sa sulat ni Cristian Wiranata Surbakti ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Panoorin ang reaction ng dating EVOS Esports VP DeanKT sa tagumpay ng Indonesia sa IESF WEC 2022