Bago magsimula ang ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID), nagkaroon ng malaking pagbabago sa roster ng EVOS Legends. Nagpaalam ang koponan sa mga kilalang pangalan, gaya nina Antimage, at LJ, pati na rin ang M1 trio nina Wann, REKT, at Luminaire.

Ngayon, magkahalong beterano at baguhan na ang bumubuo sa roster ng White Tigers. Kasama na rito ang bantog na Filipino EXP laner na si Gerald “Dlar” Trinchera.

Team fight o objective? Ferxiic o Tazz? Sinong main jungler ng EVOS Legends?
Credit: EVOS TV

Bukod kay Dlar, pala-isipan pa kung sino-sino nga ba ang mga bubuo sa starting roster ng EVOS Legends, lalo na’t pwedeng magpatakbo ng dalawang magkaibang playstyle ang koponan, depende sa kung sinong jungler ang paglalaruin nila.

Susi sa stratehiya ng EVOS Legends ang pagkakaiba sa playstyle nina Ferxiic at Tazz

Team fight o objective? Ferxiic o Tazz? Sinong main jungler ng EVOS Legends?
Credit: Instagram/liusandre.s

Sa isang panayam sa ONE Esports, ibinahagi ng analyst na si Ko Lius kung sino nga ba ang mas malamang na maging main jungler sa lineup ng EVOS sa pagitan nina Ferxiic at Tazz.

Ani Ko Lius, may magkaiba ng playstyle ang dalawang manlalaro. Mas akma ang pagiging agresibo ni Ferxiic kung gustong umatake ng EVOS Legends, habang objective-based naman ang galawan ni Tazz.

“Soal Fercix sama Tazz, gaya bermain kedua pemain ini agak berbeda. Ferxiic cocok untuk bermain super agresiif karena playstyle dia itu tabrak gaming, sedangkan Tazz lenbih objective gaming dan sabar,” paliwanag niya.

(Magkaiba ang playstyle nina Ferxiic at Tazz. Mas bagay kay Ferxiic ang agresibong playstyle dahil madalas siyang sumusugod, disiplinado at nakabase naman sa mga objective si Tazz.)

Malaking bentahe raw ang bagay na ‘to para sa koponan. Nabibigyan kasi nito ang EVOS Legends ng mas malawak na stratehiya. Para naman sa dalawang jungler, pantay din daw ang pagkakataon nilang makapaglaro dahil maaaring dumepende ito sa kung sinong makakaharap nila.

Team fight o objective? Ferxiic o Tazz? Sinong main jungler ng EVOS Legends?
Credit: EVOS

“Siapa yang akan bersinar di MPL musim ini? Menurut saya EVOS Legends karena akan ada perubahan emblem, dan itu menguntungkan tim yang memiliki kedalaman skuad mumpuni, dengan catatan coach bisa memanfaatkan hal tersebut. Oleh karena itu, Ferxiic dan Tazz memiliki peluang yang sama untuk jadi pemain utama,” aniya.

(Sinong mangingibabaw ngayong MPL season? Sa palagay ko EVOS Legends dahil may pagbabago sa emblem. Makatutulong ito sa mga koponang maw kakayahang magpalawak ng stratehiya. Ibig sabihin, pantay ang tsansa nina Ferxiic at Tazz na maging main players.)

Parte sa kampanya ng EVOS Legends ang muling makabalik at mapanalunan ang M World Championship.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Julian emblem, battle spell, item build at skill combo guide