Matagal-tagal pa bago magsimulang mag-anunsyo ng mga roster ang mga koponan para sa susunod na season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID), pero nagsisimula na ang EVOS Legends sa kanilang paghahanda.

Matapos kasing mabigo ng koponan na makalagpas sa regular season sa kauna-unahang pagkakataon, inasahan ng fans ng White Tigers na magkakaroon ng malaking pagbabago sa kanilang roster.

Halimbawa na lang noong ONE Esports MPL Invitational 2022 (MPLI 2022) at Piala Presiden Esports 2022, kung saan tatlong players mula sa EVOS Icon ang bumida sa EVOS Legends. Ito ay sina Branz, Ferxiic, at Hijumee na ipinares kina DreamS at Saykots.

Magkakaroon daw ng trials ang EVOS Legends para sa roster nila sa MPL ID S11
Credit: EVOS Legends


Ang MPL ID S11 roster ng EVOS Legends

Ngayong ramdam na ang pagbawi ng EVOS Legends, mataas na rin ang tsansa nilang maglaro sa susunod na season ng MPL ID. Gayunpaman, hindi pa rin ito magiging madali dahil magkakaroon pa rin ng trial para sa lahat ng EVOS players simula Nobyembre hanggang Enero para matukoy kung sino-sino ang maglalaro para sa MPL ID S11.

Magkakaroon daw ng trials ang EVOS Legends para sa roster nila sa MPL ID S11
EVOS Afm, Arinaldin, EVOS Oner, Wibowo Tan | Kredit: ONE Esports (Cristian WS)

Ibinahagi ng Head of Esports ng EVOS na si ONER ang mga paghahanda ng EVOS Legends para sa paparating na season. Simula ngayong buwan idaraos ang kanilang trial.

“Sebenarnya semua divisi kurang banget. Di awal tahun sebenarnya lumayan oke, tapi di akhir tahun terbilang ‘bau’ banget. Rencananya untuk EVOS Legends di tahun depan, semua ada trial dan pemilihan pemain. Tak hanya Legends tapi semua pemain MLBB akan di trial,” paliwanag ni ONER.

(Sa totoo lang, may pagkukulang pa ang lahat ng divisions. Noong simula ng taon okay pa eh, pero kalaunan hindi na talaga. Ang plano para sa EVOS Legends sa susunod na taon ay magkaroon ng trials at player selection. Ang trial ay hindi lang para sa Legends, pero para sa lahat ng MLBB players.)

“Mungkin ada pemain baru, mungkin ada yang keluar, rehat, pensiun, segala kemungkinan akan ada. Apakah ada perubahan besar EVOS Legends, baru bisa ditentukan Januari nanti,” dagdag niya.

Magkakaroon daw ng trials ang EVOS Legends para sa roster nila sa MPL ID S11
Credit: ONE Esports

(Baka magkaroon ng bagong players, baka ang iba lumabas, magpahinga, mag-retire, maraming posibilidad. Kung magkakaroon man ng malaking pagbabago sa ECOS Legends, malalaman ito sa Enero.)

“Roster EVOS Legends sekarang 80 persen akan ada di MPL ID S11. Tapi tak menutup kemungkinan juga akan ada pemain baru yang mengisi kekosongan atau kekurangan yang ada di sekarang,” aniya.

(Ang EVOS Legends roster ay 80 percent na sa MPL ID S11. Pero posible rin na may bagong players na magpupuno sa mga posisyon o pagkukulang na meron ngayon.)

Ibinahagi rin ni ONER na ang pagpili ng players ay gagawin nang sama-sama, hindi lang nang iilang indibidwal. Ganito rin ang ginawa noong nakaraang season, taliwas sa paniniwala na ang management lang ang nagdedesisyon ng lahat.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Listahan ng roster changes sa MPL PH Season 11