Napatahimik ng EVOS Legends ang mga nagdududa sa kanila sa kanilang unang El Clasico match sa MPL ID S10 laban ang RRQ Hoshi. Naipanalo nila ito sa isang landslide victory sa score na 2-0.
Sa match na ‘to, ang RRQ ay seeded na dahil wala pa silang talo. Ngunit hindi sila manalo-nalo kahit isang game laban ang EVOS Legends at ito ang kanilang naging unang talo sa MPL ID S10.
Dagdag pa riyan, nagpakita rin ng kakaibang line-up ng heroes ang EVOS. Kinailangan pa nilang ilabas si Valentina at Estes para labanan ang RRQ na mayroong Faramis. Nagkaroon sila ng dalawang healers na naalagaan ang kanilang mga teammates sa laning at team fight.
Pinapakita rin nito na may flexible na stratehiya at hero draft ang EVOS. Ito ay tiyak na naging bunga ng tiyaga na pinakita ng team, lalong-lalo na’t kilala sila bilang isang team na umaasa sa hero power ng kanilang mga players.
Ang panalo na ito ay nilagay rin ang EVOS sa tuktok ng regular season standings ng MPL ID S10, salamat sa superiority ng 8-3 win-lost game na mas maganda sa RRQ Hoshi na may 8-5, kahit na may parehas na win-lost match, 4-1 ang dalawang teams.
Hero draft flexibility ang susi sa panalo ng EVOS Legends laban RRQ Hoshi
Matapos ang match, tinanong ng ONE Esports ang assistant coach nila na si Age ukol sa flexibility ng kasalukuyang laro ng EVOS Legends. Mas naka-pokus rin ang dating Bigetron Alpha coach sa mga players.
Inamin ni Age na ang bagong EVOS team ay malaki ang naitutulong sa coaching staff sa kanilang pag-improve ng kanilang team performance at pag-tala ng positibong resulta.
“The key is, of course, we from the coaching staff have worked hard to make these players even better,” sinabi ni Age sa ONE Esports.
“Besides that they are also players with typical hard workers, really want to be champions, and have very good motivation. So all in all it makes us very happy to work with these players.”
Dagdag pa diyan, si Zeys na nasa post-match press conference rin, ay sinabing ang mga new players ay pumapayag na makinig sa kaniyang direksyon. Ito ay ibang-iba sa mga players na nais unahin ang kanilang mga points of view habang naglalaro.