Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng MPL Indonesia, pumalyang makapasok ang EVOS Legends sa playoffs ngayong Season 10. Sanga-sangang pangyayari ang naganap na humantong sa kanilang delikadong sitwason sa huling linggo ng regular season.
Sa simula pa lang ng season, ni-release ng organisasyon ang ilan sa kanilang mga beteranong manlalaro tulad nila Joshua “LJ” Darmansyah at Maxhill “Antimage” Leonardo maging ang M1 world champion trio na sina Gustian “REKT”, Muhammad “Wannn” Ridwan at Ihsan “Luminaire” Kusudana. Sabay ni-recruit nila si Pinoy star EXP laner Gerald “Dlar” Trinchera.
Sa kasamaang palad, hindi nakapagbigay ng magandang resulta ang bagong lineup. Kaya naman gumawa agad ng paraan ang EVOS management sa pamamagitan ng pag-demote kay Dlar papunta sa MDL Indonesia at pag-promote naman kay EVOS Icon standout Arthur “Sutsujin” Sunarkho.
Nagbunga naman ang pasya na ito ng EVOS Legends dahil nanguna sila sa unang half ng regular season. Subalit sumunod na ang sakuna para sa White Tigers.
Matapos matalo sa Aura Fire sa pagbubukas ng second half, nagtutuloy-tuloy ang kamalasan ng EVOS at natalo pa nga sila ng dalawang bottom teams na Geek Fam ID at Rebellion Zion. Walang naipanalo ni isang serye ang mga bata ni coach Bjorn “Zeys” Ong sa ikalawang half at nagtapos ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 0-2 sweep sa kamay ng RRQ Hoshi sa El Clasico noong Week 8 Day 2.
Nanghingi ng paumanhin ang EVOS Legends management sa fans
Nirerepresenta ang EVOS management, nagsalita si head of performance Mohammad “Oner” Refie Fakhreno matapos ang talo sa RRQ Hoshi at nanghingi ng paumanhis sa lahat ng EVOS Legends at Indonesian MLBB fans para sa pagpalya ng koponan ngayong season.
Nagsabi rin siya ng isang pangako na babangon sila at magpapakita ng mas magandang performance sa susunod na season.
“Hello EVOS Fams, hello everyone, hello all esports enthusiasts, especially Mobile Legends. We from EVOS Legends would like to say sorry and say thank you for everyone who has supported us for these past three months,” wika ni Oner.
“Thank you everyone for watching our game, thank you to the players, coaching staff from the trial period and start of the season until the end, I didn’t see them giving up. They still give their best until the end against RRQ.”
“We from EVOS Legends say goodbye in Season 10. Hopefully in the next season, we can play better. Good luck to all the teams that made it to the playoffs. Thank you everyone.”
Sa pagtatapos ng pahayag ni Oner, nagpakita ng respeto ang EVOS Legends sa pamamagitan ng pagyuko at sinalubong naman ito ng cheers mula sa fans sa loob ng MPL Arena.
Bagamat maalala ito bilang pinakamalalang season ng EVOS Legends, pwede itong magsilbing aral sa kanilang upang lumakas muli at magbalik sa tuktok.
Para sa mga balita at guides patungkol sa Mobile Legends at iba pang esports titles, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Hango ito sa orihinal na akda mula sa ONE Esports Indonesia.
BASAHIN: May mensahe ang EVOS Fams bago sumalang ang EVOS Legends sa do-or-die Week 8 sa MPL ID S10