Nasa bingit na ng elimination ang EVOS Legends mula sa karera papunta sa MPL Indonesia Season 10 playoffs. Matapos makalawit ang first place sa first half ng regular season ay delubyo ang dumalaw sa esports org matapos magapi ng limang magkakasunod na matches

Kaya naman, nalaglag ang EVOS papunta sa makitid na 6th place matapos ang Week 7. Hindi rin magiging madali ang huling linggo ng kanilang kampanya dahil makakasagupa nila ang umaalagwang Bigetron Alpha at RRQ Hoshi, dalawang matchups na magdidikta sa kanilang kapalaran.

Credits: MPL ID

Ngunit kahit pa nasa dehadong sitwasyon ay may isang bagay lamang na kinakailangang gawin ang White Tigers para makatawid papunta sa post-season. Ano nga ba ang dapat gawin ng EVOS Legends sa Week 8?


Kailangan itumba ng EVOS Legends ang Bigetron Alpha para makalahok sa S10 playoffs

Unang makakaharap ng EVOS ang Bigetron sa Week 8, at sa madaling sabi ay napakahalaga na makuha nila ang panalo kontra sa koponan ni Marky “Markyyyyy” Capacio. Kahit pa 2-1 ang iskor ay sigurado na agad ang kanilang pag-abante sa susunod na phase ng liga.

Credit: Mobile Legends: Bang Bang

Ang malaking problema ay hindi basta-basta ibibigay ng Bigetron ang inaasam na panalo ng White Tigers. Maaalalang nagbabaga sina Markyyyy ngayon sa ligan a naipanalo ang apat sa anim nilang laro sa second half ng season.

Kung magagawa man ng EVOS Legends na makuha ang panalo kontra sa Robot team ay makakaaangat sila sa Win-Loss record kung kaya’t magiging ligtas na sila sa playoff contention. Samantala, magkakaroon pa rin ng tiyansa ang Rebellion Zion at Geek Fam na makasabit kung magkakaroon sila ng perfect record sa huling linggo ng bakbakan.

Sa pagkakataon namang hindi napagtagumpayan ng White Tigers ang laban kontra BTR, magiging komplikado ang kanilang posisyon sa labanan para sa playoff spot.

Credit: ONE Esports

Kung mababaon sila ng BTR sa 2-0 score, kakailangan naman ng EVOS na maipanalo ang bakbakan kontra RRQ, at umasang hindi sweep ang kalalabasan ng Rebellion at Geek Fam tapatan.

Kung 2-1 naman ang iskor, bukas pa rin ang pagkakataon na makuha ng pamosong team ang 5th place sa standings. Iyon ay kung magagapi nila ang RRQ. Kung ganito ang sitwasyon, BTR ang magkakaroon ng malaking problema dahil maaari pa rin makahabol ang GF at RBZ.


Kapag nagapi ng parehong BTR at RRQ sa Week 8, ito ang mangyayari sa EVOS Legends

Credit: ONE Esports

Worst case scenario para sa White Tigers ang magapi ng parehong BTR at RRQ Hoshi dahil mas malaki na ang tiyansang makanakaw ang dalawang bottom teams.

Kung 1-2 pareho ang pagkatalong matatanggap, may maliit na pag-asa silang sumabit sa 6th spot kung hindi maganda ang resulta ng GF at RBZ. Kung parehong sweep ang mailalapag sa kanila ay napaka-partikular ang dapat mangyare sa bottom teams.

Credit: ONE Esports

Kinakailangan na matalo pareho ang dalawang ito bago sila magharap, at kailangan manalo ng Geek Fam ng 2-0 kontra sa RBL sa huli nilang laban.

Ano kaya ang magiging kapalaran ng EVOS Legends sa MPL ID Season 10?

Pagsasalin ito sa sulat ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Aminado si DeanKT na hindi deserve ng EVOS Legends na makapasok sa MPL ID S10 playoffs