Natuldukan ang kampanya ng EVOS Legends sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022) matapos silang talunin ng BREN Esports.
Ito ang unang kabiguan ng White Tigers matapos ang kanilang pamamayagpag sa Piala Presiden 2022, maging ang pagpapa-uwi nila sa MPL Philippines Season 10 runner-up na ECHO sa gumugulong na turneo.
Sa pagtupad ni Kyle Angelo “KyleTzy” Sayson sa kanyang pangako na paghigantihan ang kanyang idolo, lalong lumutang ang mga kahinaan ng EVOS Legends. Narito ang ilan sa hakbang na maaari nilang gawin para sa susunod na kampanya.
Ang mga leksyong maaaring mapulot ng EVOS Legends sa laban nila kontra BREN Esports
Palawakin ang hero pool
Walang masama sa pag sandal sa mga comfort picks ng mga player, pero napatunayan ng BREN Esports na hindi ito gagana sa kanila. Kitang-kita kasi kung paano napaghandaan nina Coach Francis “Duckey” Glindro na kaya na nilang kontrahin ang Claude, Gusion, at Kadita.
‘Di rin masama kung makakapaghanda ang EVOS Legends ng mga surprise picks lalo na para kay Ferxiic, na maaaring ma-utilize ang lawak ng jungler meta, na ngayon ay umiikot sa mga Fighter, Tank, at Assassins.
Meta Innovation
Marahil ay sina Ferxiic at Branz na ang haligi ng EVOS ngayon, at alam din ito ng BREN Esports. Napatunayan ito sa mga panalo ng Pinoy team noong una at huling mapa ng best-of-three.
Nagkakaroon na rin ng galaw sina Hijumee at Saykots, pero hindi maipagkakaila na kailangan pa nila ng karanasan para makipagsabayan sa pinakamataas na lebel. Kailangan ang meta innovation para maging handa ang koponan sa kung ano man ang maging takbo ng draft phase.
Panatilihin ang roster
Malakas na ang kasalukuyang roster ng EVOS Legends. Bagamat kinapos kontra BREN Esports, hindi na dapat ito maging rason para kay Coach Bjorn “Zeys” Ong na muling baguhin ang mga miyembro na bumubuo sa koponan, tulad ng nakasanayan niyang gawin noong MPL ID Season 10.
Mahalagang matuto sila nang sabay-sabay para makapagtatag ng chemistry—gaya ng ginagawa ng BREN Esports at Aura Fire.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Baloyskie, ‘di makapaniwalang winalis ng Geek Fam ID ang Blacklist International sa MPLI 2022