Sa madaling sabi, roller coaster ang kampanya ng EVOS Legends sa MPL Indonesia Season 10. Kung anung gigil at init ang ipinakita ng koponan sa unang bahagi ng season ay gayun naman ang lamig ng kanilang simula sa second half.
Natagpuan sa kangkungan ang White Tigers matapos magapi ng Aura Fire, 2-1, bago bugbugin ng Alter Ego at Rebellion Zion sa parehong 2-0 game scores. Kaya naman, kinakailangan ng EVOS Legends na makipagbabagan ng mas matindi kung nais nilang makalahok sa top two ng liga lalo pa’t napakanipis ng pagitan ng points sa upper half ng standings.
May dalawang linggo na lamang na nalalabi sa S10, at kung magagawa ng esports org na makita sa ang sarili nila sa salamin sa panahong ito ay malaki ang tiyansang mairaos nila ang kanilang season na nasa dating kinalalagyan.
Ano nga ba ang problema ng EVOS Legends?
Kung pagbabasihan ang statistics, hindi maitatanggi na lumagapak ang EVOS Legends matapos ang Week 6. Sa mga kinalahukan nilang serye, nakapagtala lamang ng 15 kills at 24 assists kontra sa 55 deaths ang koponan ni Bjorn “Coach Zeys” Ong.
Hindi man lang nakatungtong ang kanilang KDA average sa one point. Sa kasalukuyan, mayroon lamang 0.71 KDA average ang koponan, malayo sa naitala nila sa Week 1 hanggang Week 5.
Match Week | Kills | Deaths | Assists | KDA Average |
Week 1 | 43 | 49 | 97 | 2.86 |
Week 2 | 35 | 24 | 62 | 4.04 |
Week 3 | 38 | 24 | 98 | 5.67 |
Week 4 | 55 | 56 | 107 | 2.89 |
Week 5 | 38 | 27 | 84 | 4.52 |
Week 6 | 15 | 55 | 24 | 0.71 |
Kung papanoorin naman ang kanilang gameplay, malinaw na taliwas sa dati nilang porma ang EVOS. Mapapansin ang pagkalito ng players sa kanilang game plan, at sa drafting naman ay laging dehado ang White Tigers. Kaiba ito sa napanood ng mga miron ng patumbahin nila ang mga bigating teams na ONIC Esportsat RRQ Hoshi.
Dagdag pa dito ang masalimuot na debut ni Saykots. Halatang hindi swak ang galaw ng pumalit na player kay Dlar sa galaw ng kaniyang team, kung kaya’t maraming nagpapalagay na hindi swabe ang communication ng mainstays sa dating EVOS Icon standout.
Karugtong nito, marami ding naguguluhan sa desisyon ni Zeys na i-switch ang playerd sa EXP lane. Bagamat maraming kailangan pang gawin si Pendragon para umalagwa bilang EXP laner ay mas kita ang kaniyang tikas sa role kung ikukumpara sa ibang players sa team na may parehong posisyon.
Isa pang diskusyon ang performance ni Clover. Bukod sa napakaliit na hero pool ng EVOS Legends gold laner, hindi rin consistent ang kaniyang galaw sa loob ng laro. Kahit pa ipahawak ni Zeys ang meta hero na Claude sa kaniya ay hindi nagagawa ni Clover na kumamada para sa kaniyang team.
Sa usaping pagkamada sa team ay marami ding pumapansin sa desisyon na i-switch si Sutsujin (dating lider sa MVP points) at Tazz kung nakukuha ng team ang Fanny. Too, may kargada ang Fanny ni Tazz ngunit hindi magawa ni Sutsuijin na makagawa sa midlane.
Mabilis na naglaho ang init ng EVOS Legends mula sa first half ng season, at matapos ang masalimuot na simula sa magkasunod na linggo ay walang rason ang White Tigers para mapatid muli. Kung mangyayari man iyon ngayong may bago pang patch na inilabas ay malaki ang tiyansa na mamamaalam sila sa inaasam nilang M4 appearance.
Ito ay pagsasalin sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Hanga sa Fanny ni Kairi si Coach Aldo ng ONIC Esports