Ang ikatlong linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 ang pinakamahirap na linggo para sa EVOS Legends dahil kinailangan nilang harapin nang magkasunod ang ONIC Esports at RRQ Hoshi.
Sa kabila nito, matagumpay nilang nairaos ang linggo matapos talunin ang mga dilaw na hedgehog, 2-1, at walisin ang Kings of Kings. Naiangat sila ng mga panalong ito sa tugatog ng standings nang may apat na panalo kontra isang talo.
Patunay din ang mga resulta na ‘to kung gaano ka-epektibo ang mga improvement na nilapat ng EVOS Legends coaching staff sa kanilang mga player, kahit pa malaki ang pinagbago ng kanilang roster mula noong nakaraang season.
Nang tanungin ng ONE Esports ang assistant coach ng ONIC Esports na si Ahmad “Mars” Marsam tungkol sa mga EVOS Legends, binanggit niyang isa si Rachmad “DreamS” Wahyudi sa mga pinakamagandang adisyon ng koponan ngayong season.
“Mungkin yang bisa di-highlight dari EVOS Legends saat ini yaitu Dreams yang bisa dibilang performanya lagi naik dan bisa nge-boost timnya,” sagot ni Mars sa ONE Esports.
(Siguro dapat i-highlight ngayon sa EVOS Legends si Dreams. Tumaas ulit ang lebel ng kanyang performance at nabo-boost nito ang team.)
“Karena pemain ini juga, bisa dibilang pelatih EVOS sekarang jadi lebih gampang dalam nge-draft dan lainnya. Makanya sekarang draft mereka jadi lebih rapi atau lebih enak lah,” aniya.
(Dahil sa kanya, mas madali nang nakakapag-draft ang mga coach ng EVOS. Siya ang dahilan kung bakit mas malinis at flexible na ang draft nila ngayon.)
Tila ipinapabatid ni Mars na malaking tulong ang mga pagbabagong ginawa ng EVOS Legends sa kanilang roster sa aspeto ng pagda-draft, lalo na’t hindi naman daw masyadong nagbago ang gameplay nila.
Simula nang simula si Dreams, isang beses pa lang natatalo ang EVOS Legends
Pinasok ng EVOS Legends si Dreams para sa MPL ID S10 mula sa EVOS Icons kasama si Arthur “Sutsujin” Sunarkho.
Bagamat hindi kataka-taka ang promotion ng dalawa, marami naman ang kumwestiyon sa desisyon na i-demote sina Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin at Raihan “Bajan” Ardy sa MLBB Development League.
Hindi pa natatalo ang dalawa simula nang pumasok sila sa EVOS. Pinakaba man ng ONIC Esports noong ikatlong linggo, nanaig pa rin ang mga puting tigre sa serye sa iskor na 2-1.
Susubukan ng EVOS Legends na panatilihin ang kanilang kapit sa tuktok ng standings pagpasok sa ika-apat na linggo ng regular season. Haharapin nila ang Alter Ego sa Sabado, ikatlo ng Setyembre, at Rebellion Zion, kinabukasan.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Beatrix ni Haizz bumida sa panalo ng Rebellion Zion kontra RRQ Hoshi sa MPL ID S10