Bago pa man magumpisa ang MDL ID S6 event, nagkaroon ng matinding re-reroster sa EVOS ICON. Nagpakawala ng total na walong players ang management. 

Ito ang mga players na tinanggal ng EVOS ICON: 


Rexxy 
zoeybit 
Rich 
Irish 
Panzer 
Darkness 
Ravicy 
Chakim 

Maliban sa mga players, ang mga trainers na sina G at WyvorZ na naging parte ng EVOS Legends para sa MPL ID S9 ay pinakawalan rin ng management. 

Limang pangalan na lang ang natira sa EVOS ICON roster mula sa MDL ID S5: 


LJ 
Claw Kun 
pendragon 
Tazz DD 
Wok 

Hindi rin malabo na ang mga natirang players sa roster na ‘to ay magiging parte ng EVOS Legends para sa MPL ID S10, tulad nina Pendragon at Tazz DD na umano’y magkakaroon ng promotion. 

ML EVOS ICON
Credit: Youtube/Mobile Legends: Bang Bang

Ibig sabihin nito ay magkakaroon ng malalaking pagbabago sa EVOS Esports management para sa ICON roster. Nakaka-intriga malaman kung sino ang mapupunta sa roster, dahil hanggang ngayon wala pa ring impormasyon kung sinong players ang maglalaro para maidepensa ang team sa MDL ID S6. 

Nagkaroon ng oportunidad ang ONE Esports na matanong ang EVOS Legends coach sa mga nangyari. 
“Regarding this, I think for now we are doing a fresh restart on everything,” ekslusibong sinabi ni Zeys sa ONE Esports. 

“The main goal of ICON is to find players who can be suitable for EVOS Legends. This is the reason why we reset the roster as a whole in order to open up greater opportunities to get players who can appear in MPL,” sabi niya. 

Ang pag-amin ni Zeys ay nangangahulugan na hindi lang sa ICON ang mga pagbabago na mangyayari. Maaring mangyari din ito sa EVOS Legends o sa ibang division sa ilalim ng EVOS Esports. 

Inamin rin ni Zeys na magkakaroon ng maraming newcomers para sa MDL ID S6 team. “Of course there will be a lot of newcomers. You will see a lot of new and potential faces coming.” 

Umaasa si Zeys na makarating ang mga dating EVOS ICON players sa MPL 

ML Zeys
Credit: Instagram/@z3zeys

Kahit na ang mga players at coaches na ito ay pinakawalan ng management, hindi ibig sabihin ay hindi sila mahusay, at nakikita ito ni Zeys.  

Kinompronta ng Singaporean coach ang mga players na tinanggal at sinabihang maari nilang mahanap ang kanilang landas sa MPL balang araw. 
 
“I think they are all good players. We wish them all the best and I want to see them play in MPL against us one day,” sinabi ni Zeys sa ONE Esports. 

Maaring sa kanilang pagpaalam sa EVOS ICON, ang mga players na ito ay makapag-patuloy ng kanilang mga careers sa ibang teams, katulad ng MPL ID teams na interesado sa quality at experience ng mga players na ‘to.