Pinangibabawan ng EVOS Esports ang mahabang proseso ng pagpili para sa national Mobile Legends: Bang Bang team ng host country na Indonesia para sa paparating na World Esports Championship 2022 (WEC 2022) ng International Esports Federation (IESF).
Napabilang sa national selection board ang EVOS Esports matapos nilang magtagumpay sa H3RO 3.0 tournament. Kasama nila sa naturang proseso ang apat pang koponan—ang runner-up ng Piala Presiden Esports 2022 na ION Beta at dalawa pa mula sa open qualifier na Yasbih Esports at Aura Fire.
Pagkatapos ungusan ang ION Beta sa grand final, pumasok sa closed-door training ang White Tigers kasama ang kampeon ng Piala Presiden Esports 2022 na Bigetron Alpha. Sumalang ang dalawang koponan sa 2-3 round system na may best-of-three ang bawat round.
EVOS Esports tinalo ang Bigetron Alpha sa round 2
Dahil ginanap sa likod ng saradong pinto, umantabay ang lahat sa pag-upload ng EVOS Esports sa resulta ng laban sa kanilang Instagram stories.
Mabilis na winalis ng koponan ang Bigetron Alpha sa unang round. Sa ikalawa, tiniyak naman ng kanilang laban na pumalag. Naitabla nina Hengky “Kyy” Kurniawan ang serye, pero bigo silang masungkit ang panalo sa ikatlong mapa.
Dahil nakuha ng EVOS Esports ang unang dalawang round, sila ang hinirang bilang ang national MLBB team ng kanilang bansa para sa turneong gaganapin sa Bali simula ikatlo ng Disyembre.
National MLBB Team ng Indonesia para sa IESF WEC 2022
- Rizqi “Saykots” Damank
- Darrel “Tazz DD” Wijaya
- Jabran “Branz” Wiloko
- Rachmad “DreamS” Wahyudi
- Dalvin “Hijumee” Ramadhan
- Adriansyah “Claw Kun” Baihaqi
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: ‘Classic Blacklist’ daw ang dapat abangan sa IESF WEC 2022 MLBB, ani Coach BON CHAN