Bubunutin mula sa EVOS Esports at Bigetron Alpha ang mga pro players na babandera para sa Indonesian Mobile Legends: Bang Bang Team sa gaganapin na IESF 14th World Esports Championship sa huling bahagi ng taon.
Ito ay matapos lumabas na pinakamagaling ang dalawang koponan sa idinaos na National Selection Qualifiers. Nagbaga ang pinakahuling bakbakan sa naturang selection process kung saan natagpuan ng White Tigers ang tagumpay kontra sa Bigetron Beta (MDL team ng Bigetron).
EVOS Esports pinataob ang Bigetron Beta, sasamahan ang Bigetron Alpha players sa pool selection para sa IESF 2022
Kinailangan ng EVOS Esports ng limang laro para mapurnada ang reunion ng dalawang Bigetron teams sa huling stage ng national selection qualifiers para sa IESF kumpetisyon.
Kapanapanabik ang dikdikan sa decider kung saan nakuha ng Beta ang maagang kalamangan. Gayunpaman, nagpunyagi ang White Tigers na nanakaw ang Lord objective sa ika-13 minuto para mabura ang early game abante ng katunggali. Ngunit ang nagdikta ng resulta ng serye ay ang krusyal na Lord fight sa ika-20 minuto.
Dala ng magilas na objective-taking ay nakuha ng EVOS ang kontrol sa ika-apat na Lord para isarado ang serye, 3-2.
Dahil sa tagumpay, sasamahan nila ang limang Alpha players sa national training camp para hirangin ang huling pitong pro na lalahok sa IESF sa Bali.
Pagsasalin ito sa sulat ni Alfa Rizki ng ONE Esports ID.
BASAHIN: MLBB team ng SIBOL para sa 14th WE Championship ng IESF, ipinakilala na