Patuloy ang paggapang ng SIBOL Mobile Legends: Bang Bang squad sa lower bracket ng International Esports Federation World Esports Championship 2022 (IESF WEC 2022) matapos pauwiin ang kinatawan ng Argentina.

Sa pangunguna ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna, winalis ng pambato ng Pilipinas ang ikalawang koponang nakaharap nila sa elimination match. Sa kabila ng mahahabang laro, nanaig ang SIBOL kontra kinatawan ng Latin America sa paparating na M4 World Championship.

Estes ni OhMyV33nus bumida para sa SIBOL kontra Argentina sa IESF WEC 2022

Estes ni OhMyV33nus pinauwi ang Argentina sa IESF WEC 2022
Credit: Blacklist International

Classic UBE ang ipinatikim ng SIBOL sa Argentina sa unang mapa ng best-of-three. Bagamat napatagal ng Fanny ni Diego “Jotun” Balog at Kadita ni Meteoro ang laban, hindi ito naging sapat para maagaw ang spotlight sa Estes ni OhMyV33nus.

Sa kinahaba-haba kasi ng 24 minutong bakbakan, isang beses lang napitas ng mga manlalaro ng S11 Gaming si The Queen. Tinapos niya ang laban nang may game-high 15 assists para matulak sa bingit ng elimination ang kanilang kalaban.

Estes ni OhMyV33nus pinauwi ang Argentina sa IESF WEC 2022
Credit: Garudaku ESI

Nagpatuloy ang pag-flex ni Danerie James “Wise” Del Rosario sa malawak niyang hero pool pagpasok sa kalauna’y huling mapa ng bakbakan. Gamit ang Guinevere, nagawang ungusan ng King of the Jungle ang scaling heroes ng Argentina, gaya ng Beatrix, Cecilion, at jungle Granger.

Pinaalala rin ni Salic “HADJI” Imam kung bakit siya binansagan bilang KDA Machine matapos magtala ang kanyang Yve ng limang kills at walong assists kontra dalawang deaths. Siya rin kumamada ng game-high 8.8 game score at 72,081 damage dealt.

Estes ni OhMyV33nus pinauwi ang Argentina sa IESF WEC 2022
Credit: Garudaku ESI

Bago matapos ang araw, susubukan ding pauwiin ng SIBOL ang pambato ng Malaysia na binubuo ng mga manlalaro mula sa Todak.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: IESF WEC 2022 MLBB: Schedule, resulta, mga kalahok, at saan mapapanood