Limang iba’-ibang esports titles na ang napabilangan ni Bjorn “Zeys” Ong, mapa-pro player man o coach. Kaya kaya, hindi kagulat-gulat kung bakit isa siya sa mga pinakapopular na esports personalities sa mundo.
Ngunit bago tulungan ang Mobile Legends team na EVOS Legends na makalawit ang S4 kampeonato ng MPL Indonesia, at kalaunan ang Mobile Legends M1 World Championship, isa rin sa mga nangarap ang 28-anyos.
Bata pa lamang si Coach Zeys ay ginugol na niya ang kaniyang oras para makakuha ng spot sa leaderboards ng mga kinalahukang laro. Ito daw ay dahil siya ay “addicted to improving”.
Nagsimula ang Singaporean sa mga larong pamilyar din sa ating mga Pinoy katulad na lamang ng Gunbound, Maplestory, Rakion, GunZ aat Warcraft III. Aniya sa kaniyang Facebook, mahilig daw siyang mag-optimize ng mga karakter, umakyat sa pinakamataas na levels at ma-unlock ang mga pinaka-rare na achievements.
Coach Zeys binalakin ang mahaba at malubak na paglalakbay sa esports
Bagamat mahaba at matagumpay na ang kaniyang karera sa esorts, may mga pagkakataong nanghihinayang siya sa mga nagawa niyang desisyon. “I was doing really good in Hearthstone: I was the first person in Singapore to reach Legend at high ranks, I was ranked second in the world on GosuGamers. My biggest regret is that I chose to stop,” kuwento ni Zeys sa ONE Esports.
Habang nasa rurok ng Hearthstone ladders, gayundin ang gilas ni Zeys sa paglalaro ng League of Legends kung saan isa siyang Challenger-tier player na nakatanggap na din ng alok mula sa semi-pro teams.
17-anyos pa lamang noon si Zeys ng napagtanto niya na “a lot more stressful” ang pakikipagkumpitensya sa Hearthstone kung ikukumpara sa LoL. . “I chose to take the easier route because I didn’t want to be mentally taxed,” aniya.
Gayunpaman, naunawaan niyang maraming elemento ang nakadikit sa paglalaro lalo sa team game tulad ng LoL. Mahalaga ang team dynamics, ngunit dahil sa internal issues at compulsory National Service, napagdesisyunan ni Zeys na talikdan ang LoL.
Malungkot ito para sa batang gamer ngunit may naghintay sa kaniyang ang biyaya. Sa taong magsisimula na dapat si Zeys sa kaniyang National Service, lumabas ang Heroes of the Storm. Naaliw siya bagong MOBA kahit pa bitin ang oras, at hindi nagtagal ay naging halimaw siya sa lro. Kasunod nito ang mga alok sa kaniya ng isang semi-pro team na kalaunan ay nanalo ng national tournament sa Singapore, ang pinakaunang kumpetisyon na nilahukan nila.
“I told myself that within these two years, I’m not giving my 100%, and yet I’m able to achieve this kind of results where I can go into international tournaments. What’s to say if I gave my 100%? How would that turn to look?”
Binigyan ni Zeys ng pagkakataon ang kaniyang sarili na sundan ang kaniyang passion sa esports pagkaraan ng kaniyang National Service. Kaya sa sumunod na isa’t kalahating taon, puspusan ang ensayo niya sa Heroes of the Storm bawat araw kahit wala namang pera dito.
Kahit pa sa HOTS ang interes ng batang Zeys noong 2017, batid niya na hindi ito magiging patok sa lahat ng lugar sa Asya.
“HOTS was only growing in the Western region like Europe and America. I received offers to go to America and Europe to play for teams, but at that point, thinking back, Singapore’s average wage was pretty high, so it didn’t make logical sense to me to just give up everything in Singapore just to go aboard to earn the same kind of salary that I could make in Singapore, which is why I didn’t accept all the offers,” paglalahad niya.
“That was something that I hugely regret, which was why I accepted this EVOS offer to go overseas, because I declined so many offers to go overseas in the past. I wanted to see what would happen if I actually took an offer to go fulltime abroad.”
Kalaunan ay tinalikuradan niya ang PC games para maglaro ng hit mobile game na Arena of Valor. Para sa kaniya, “it made a lot of sense to transition, to be the first mover to a mobile game”, ng sa gayon ay maging pioneer siya sa eksena.
Malaki ring impluwensiya sa kaniyang former HOTS pro player sa China na lumipat din sa Honor of Kings (ang tawag sa AoV sa China), na lumawak ang fanbase at kumite ng “substantial amount of money”.
Inasahan ni Zeys na gayundin ang makakamtan niyasa AoV lalo pa’t international ang laro ngunit hindi ito ang nangyari. “Unfortunately, it was poorly managed. From there, I felt that the game had no prospects so I moved to Mobile Legends,” pagtutuloy niya.
Nagsimula bilang pro player si Zeys sa Mobile Legends: Bang Bang bago kuhanin ang coaching role para sa EVOS Legends na nagpabulusok ng kaniyang karera at makilala bilang isa sa mga pinaka-maimpluwensiyang tao sa eksena.
Mula sa pagkaligaw bilang isang teenager, at pagtalon sa magkakaibang laro at genre, mistulang natagpuan na niya kung saan siya nararapat.
At bagamat nakalawit na ang korona sa MPL ID at international championship, nanatiling gutom si Zeys. “For me, I just want to cement EVOS as the best team in Mobile Legends history.”
Para sa iba pang eksklusibong content, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.