Isa ang Bigetron Alpha sa mga pinaka-aktibong organisasyon sa transfer market sa dulo ng 2022. Kamakailan lamang, nakuha nila ang matamis na oo ng isa sa pinakakilalang trainers sa MPL PH na si Jian “Pauloxpert” Munsayac mula sa BREN Esports para sa kanilang kampanya sa MPL ID Season 11.
Hindi ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng Pinoy coach ang Red Robots. Matatandaan na sa nakalipas na MPL ID Season 10, pinangunahan ang koponan ni Coach Vrendon “Vrendini” Lin katambal ang Indonesian counterpart niyang si Muhammad “Razeboy” Fariz.
Ngunit matapos matamo ang hindi inaasahang performance sa kampanya sa nakaraang season, naghiwalay na ng landas si Coach Vrendini at ang koponan.
Hindi nito pinurnada ang arangkada ng Bigetron sa 2022 President Esports Cup kung saan hinirang silang kampeon. Bagamat kinapos sa kanilang tangka na maging kinatawan ng bansa sa IESF World Esports Championship 2022, naipakita ng pangkat ang kanilang husay sa para mapabilib ang Mobile Legends fans.
Susubukan ni Coach Pauloxpert na paigtingin pa ang kalibre ng koponang ito sa gugulong na MPL ID Season 11.
Hindi nagkukulang ang koponan sa paghahanda para sa kanilang kampanya dito, sapagkat kamakailan lang din ay idinaos ng Bigetron Alpha ang isang trial para matukoy kung sinong players ang babandera para sa kanilang hanay.
Ayon kay Razeboy, ang pagdating ni Pauloxpert ay resulta ng diskusyon sa pagitan ng management at ni Marky “Markyyyyy” Capacio na inirekomenda ang dating BREN Esports analyst.
“Actually regarding (the presence of) Paulo, we have discussed with several Filipinos, such as in Bigetron Alpha there is Markyyyyy. He said that Paulo was good and yesterday we at MPLI we lost to his (team), (BREN), so that’s how it is,” wika ni Razeboy sa Bahasa.
Bagamat sementado na ang husay ni Razeboy bilang coach, wala pang opisyal na anunsyo ang organisasyon ukol sa magiging head coach sa Season 11.
“For the coaching structure, it will still be discussed together [with the team]. How good it is will still be discussed further, ” pagtutuloy ng beterano.
Malaki ang inaasahan ni Markyyyyy sa pagdating ni Pauloxpert sa Bigetron Alpha
Nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na makausap si Markyyyyy ukol sa proseso ng pagsanib ni Coach Pauloxpert sa kaniyang hanay.
Idinugtong ng Pinoy gold laner ang kaniyang komento sa opinyon ni Razeboy ukol dito, kung saan sinabi niyang malaki ang magiging impact ng presensiya ng dating BREN Esports analyst para sa kanilang team.
“Sa opinyon ko, magaling na coach si Paulo at tingin ko malaking impact ang madadala niya team (sa susunod na season),” saad ni Markyyyyy.
Kung susuriin ang kaniyang background, malawak na din ang karanasan ng esports professional sa larangan. Bago maging analyst para sa BREN, naging pro player din si Pauloxpert para sa GOSU Esports at nakalahok sa M1 World Championship.
Pagkatapos ng kaniyang pro player karera ay sumanib siya sa panig ng The Hive kasama ang bantog na coach na si Coach Francis “Duckey” Glindro sa dalawang seasons sa MPL PH.
Bagamat hindi naabot ng BREN ang inaasahang pagbabalik sa kanilang trono sa liga sa Pilipinas ay hindi nito binahiran ang kapabilidad ng analyst. Pareho ang tantiya ng Bigetron ukol dito.
Sa dominasyon ng Pinoy teams kontra sa Indonesians, inaasahan na bibigyan ng bagong kulay ni Coach Pauloxpert ang galaw ng Red Robots sa susunod na season, partikular na sa drafting, strategy at METAplay.
“Siguradong may mga pagbabago sa stragey sa Bigetron Alpha at susubukan naming na ma-maximize lahat ng inputs ng trainers namin,” ani muli ni Markyyyyy.
Susubukan ni Pauloxpert na pag-ibayuhin pa ang tikas ng Bigetron Alpha sa Season 11 at kapanapanabik na makita kung magagawa ba niyang dalhin ang koponan sa inaasahan nitong kampeonato.
Pagsasalin ito sa sulat ni Cristian Wiranata Surbakti ng ONE Esports ID.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook!
BASAHIN: Coach Acil, ‘di na nag-renew ng kontrata sa RRQ Hoshi