Hiyawan at palakpakan ang natanggap ng Smart Omega mula sa Barangay matapos sungkitin ng pangkat ang krusyal na 2-1 series win kontra sa matikas na RSG Slate Philippines para buksang matagumpay ang kanilang Week 6 sa MPL Philippines Season 11.

Sa gitna nito, kapansin-pansin ang mainit na pagtanggap sa long-time roamer ng team na si Joshua “Ch4knu” Mangilog na namataang nakasuporta para sa kaniyang hanay sa Shooting Gallery Studios sa Makati.

Credit: MPL Philippines

Ang mga miyembro ng Smart Omega, inaming malaki ang impact ng presensiya ng Hall of Legends inductee.


Coach E2MAX inilahad ang epekto ng presensiya ni Ch4knu, Mikko nagkuwento sa kaganapan backstage

Sa post-match interview, inamin ng assistant coach na si Patrick “E2MAX” Caidic ang dalang impact ni Ch4knu sa Smart Omega bagamat hindi parte ng aktibong lineup. “Siyempre yung presensiya niya sobrang laking bagay sa team. Siyempre isa pa rin siya sa faces ng Omega,” paliwanag ng dating kapitan ng hanay.

Dagdag niya, inspirasyon daw ang bantog na roamer sa mga miyembro ng team partikular na sa kanilang mga baguhan.

Credit: MPL Philippines

“Pati yung mga bagong players naten talagang tinitingala pa rin siya as a player. So ang laki ng impact na nandito siya sa amen para sumuporta. Siyempre pampa-boost din ng mga confidence ng mga bata,” sambit ni E2MAX.

Ngunit hindi lamang kumpiyansa ang ibinibigay ni Ch4knu sa mga miyembro ng Smart Omega dahil ayon kay Mico “Mikko” Tabangay, may ambag din sa aspetong teknikal ang pro sa backstage.

“Tinuturuan niya po ako. Tapos, katulad po ng sa Chou. After sa game 2, tinuruan niya po ako sa Chou,” kuwento ng roamer na napatid sa game two gamit ang hero.

Credit: MPL Philippines

Bagamat nagawang maitabla ng RSG ang serye sa naturang laro, hindi na pinayagan ng Smart Omega na makaisa muli ang Raiders na itinumba nila bago humantong ang 15-minute game time. Natapos ang game three ng may 12-4 kill score sa pabor ng Barangay, paraan para makuha ang kanilang ikaapat na tagumpay sa sampung laro.

Sundan ang mga kaganapan sa MPL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Raizen sa Fredrinn: ‘Parang hindi naman po siya na-nerf’