Hinulaan ng dating pro player na ngayon ay isa nang MLBB streamer at influencer na si Jonathan “Emperor” Liandi ang dalawang midlaner mage heroes na pinaniniwalaang magiging top picks sa 2021 SEA Games.

Inihayag ito ni Emperor sa kanyang Empaction content kung saan nagbigay siya ng komento sa kanilang 1v1 clip ni RRQ Clayyy na ipinost sa kanyang YouTube channel noong Lunes, May 16.

Ayon kay Emperor mariin siyang naninwala ma si Yve ang kasalukuyang first choice midlaner hero sa competitive scene, kabilang na ang nakatakdang MLBB event sa 2021 SEA Games. Ang hero na ito ang kanyang ginamit nang maglaro siya sa 515 All Stars 2022 Indonesia kasama ang team na PENTAGRAM.



Naniniwala si Emperor na sina Yve at Valentina ang mga magiging first choice

Bukod pa dito ay nagbanggit din ng isa pang midlaner mage hero si Emperor na sinasabi niyang magiging main choice din para sa mga pro players, na magiging mas-priority kaysa kay Yve. Ang hero na si Valentina.

“This is the reason why I only played Yve in the (515) All Star. Because in my opinion, for now, the (highest) tier of midlaner Mages in Mobile Legends today are Valentina and Yve,” sabi ni Emperor.

“This has been proven in MPL Indo, MPL PH, and in my opinion (later) at the SEA Games, it will be Yve (continue to be the mainstay),” sabi niya.

Sa kabilang banda, inamin niyang nagtataka siya kung bakit hindi masyadong ginagamit si Yve ng mga players sa rank, maliban na lang sa mga Mythical Glory players at mga pro players.



Si Yve ang main midlaner mage sa MPL ID at PH

Yve midlaner mage 2021 SEA Games
Credit: Moonton

Ang pagpili kay Yve bilang main midlaner ng mga pro players ay napatunayan na, lalo na sa MPL ID S9 at MPL PH S9. Huli na nang magbago ang nang kaunti ang pagpili ng hero na nalipat kay Xavier, na maaari lang gamitin noong playoffs.

Sa MPL ID S9, si Yve ang most picked hero sa regular season. Pagkatapos ng playoffs, si Yve ay na-pick nang 76 beses na pumapangalawa sa most played hero na si Beatrix na may 94 picks.

Bukod pa dito, si Yve ay na-ban nang 81 beses sa MPL ID S9, na nasa ikatlong pwesto kasunod nina Valentina (158 beses) at Fanny (117 beses). Patunay na sina Yve at valentina ay kinatatakutan sa competitive scene.

Vaelntina midlaner mage 2021 SEA Games
Credit: Moonton

Habang sa MPL PH S9 naman, ikatlo si Yve sa most picked hero na napili nang 73 beses, kasunod nina Esmeralda (93 beses) at Beatrix (82 beses).

Pagdating naman sa ban, ikaapat si Yves na na-ban nang 75 beses sa MPL PH S9, kasunod nina Valentina (149 beses), Selena (99 beses), at Fanny (78 beses).

Makikita sa data na pasok sa MLBB competitive scene ang kalibre nina Yve at Valentina. Hindi malayong tutukan sila ng lahat nang teams na kasali sa 2021 SEA Games.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.