Si Edith ang pinakabagong hero sa Mobile Legends: Bang Bang.

Kilala rin bilang Forsaken Warden, kakaiba ang disenyo sa kanya dahil siya ang kauna-unahang hero na pasok bilang Tank at Marksman.

Ayon sa hero spotlight ng Moonton, bentahe niya ang crowd control at burst damage. Pantay din ang kanyang offensive power salamat sa pagiging Marksman at defensive power dahil sa pagiging Tank.

Ang mga skill ni Edith sa MLBB
Credit: Moonton, screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Ang mga skill ni Edith sa MLBB

Passive – Overload

Credit: Moonton, screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Sa tuwing gagamit si Edith ng skill, magiging overloaded siya sa loob ng tatlong segundo. Sa loob ng oras na ito, ang mga basic attack niya ay magti-trigger ng Chain Lightning na may dagdag magic damage sa hanggang apat na magkakalapit na kalaban.

Ito ang nagsisilbing bentahe niya pagdating sa laning phase dahil hinahayaan siya nito na makapag-clear ng minion waves nang mas mabilis.


First skill – Earth Shatter

Credit: Moonton, screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ang skill na ito ang pinakang-source ng damage ni Edith bilang tank. Pag ginamit ito, tatalon si Phylax para makabawas ng physical damage sa kanyang harap, kasabay ng pag-airborne sa matatamaan nito.


Second Skill – Onward

Credit: Moonton, screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Onward ang mobility skill ni Edith. Pag ginamit ito, aabante si Phylax sa napiling direksyon habang bumabawas ng physical damage sa lahat ng kalabang kanyang madaanan.

Kung may matamaang hero si Edith, agad siyang titigil at ibabato niya ang hero sa kanyang likuran. Physical damage ang bawas nito sa target at may saglit din itong stun.

Pwedeng ipang-set ang Onward sa laning phase kung sakaling mag-overextend ang iyong katapat. Sundan ng Earth Shatter at Chain Lightning basic attacks mula sa Overload para makapitas o makabawas nang malaki.


Ultimate Primal Wrath

Nagagamit ang Wrath ni Edith sa kanyang ultimate. Lalabas siya mula kay Phylax nang may shield, dalawang bagong non-ultimate skills, at ranged basic attack.

Nakakaipon ng Wrath tuwing nakakatanggap ng damage si Edith habang nasa loob ni Phylax. Nakikita ito sa ilalim ng kanyang HP bar.

Divine Retribution

Credit: Moonton, screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Isa itong area-of-effect, magic damage skill. Pataas nang pataas ang damage nito sa kada 0.5 segundo at ito ay tumatagal nang 1.5 segundo.

Lightning Bolt

Credit: Moonton, screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ito ang crowd control ni Edith pag naka-Primal Wrath. Isa itong linear, magic damage ability na nakaka-immobilize sa unang kalabang hero na matatamaan.

Mapapanood ang buong hero spotlight dito:

I-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang builds, guides, at balita tungkol sa MLBB.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.