Matagal-tagal na nang ilabas ng Moonton si Edith pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tiyak kung anong role nga ba ang pinaka-akma para sa kanya.

Si Edith ay isang Tank-Marksman na hero na may magical damage. Habang nasa loob ni Phylax, mataas ang defense ng hero, pero makati rin bumawas habang naka-Primal Wrath, kung kailan siya nagiging Marksman.

Ang tamang role ni Edith

Item build guide para sa sidelane Edith
Credit: Moonton

Bilang Tank-Marksman na hero, marami pa ang nalilito kung ano nga ba ang role ng hero. Pwede kasi siya gawing roamer dahil sa dami ng crowd control abilities niya, pero pwede ring jungler gaya kung paano nilaro si Baxia noong mga nagdaang meta.

Pero kung muling susuriin ang kanyang mga skill, mas akma siya bilang sidelaner, lalo na sa EXP lane. Walang kasing problema para sa hero na mag-solo sa lane dahil sa taglay niyang kakunatan.

Dahil diyan, ano nga ba ang item build ni Edith para masulit ang kakunatan at kakayahan niyang pumatay habang naka-ultimate? Narito ang review ng ONE Esports.

Item Build ni Edith

Item build guide para sa sidelane Edith

Nakadepende sa draft ng kalaban kung ano-ano nga ba ang mga item na dapat buuin sa isang hero. Para kay Edith, importanteng bumuo ng mga item na makakapagpakunat sa kanya at mapalakas ang damage niya.

Simulan ang item build sa Tough Boots o Warrior Boots. Tough Boots kung maraming crowd control at magic damage ang kalaban at Warrior Boots naman kung puro physical damage.

Pagkatapos ng boots, isunod na ang Brute Force Breastplate. Bukod kasi sa dagdag HP, ang passive nito ay nagbibigay din ng bonus movement speed pati na rin physical at magical defense na pwedeng i-stack hanggang sa limang beses.

Item build guide para sa sidelane Edith
Credit: Moonton, screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Pagkatapos ng Brute Force Breastplate, pwede nang mag-invest sa mga item na pang-damage. Pwede dito ang Endless Battle o ‘di kaya ay Thunder Belt. Nagbibigay ang Endless Battle ng true damage at lifesteal kay Edith, habang dagdag HP at passive na lumalakas base sa total HP ng hero.

Bukod sa mga nabanggit, may cooldown reduction din ang parehong item. Makatutulong ang dalawang ito para mapalakas ang killing potential habang naka-Primal Wrath, ang ultimate ni Edith.

Pagkatapos ng unang tatlong item, sundan ito ng additional defense items gaya ng Athena’s Shield, Radiant Armor, o Oracle. Kung trip mo namang magpaka-aggressive, pwede rin ang Hunter Strike.

Item build guide para sa sidelane Edith

Ilaan ang Immortality para sa ikalimang item. Hindi kasi nawawala ang naiipong Wrath, ang passive ng ultimate na napupuno tuwing nakakatanggap ng damage si Edith, pag nagamit ang Immortality. Pagka-pop ng Immortality, pwedeng gamitin ang Primal Wrath para baliktarin ang sitwasyon.

Para sa late game, okay ang Guardian Helmet bilang ang ika-anim na item. Dahil wala namang mana si Edith habang nasa loob ni Phylax, hindi na kailangan problemahin ang HP dahil sa passive ng naturang item.


Pwedeng gamitin ang item build na ‘to kung lalaruin si Edith sa EXP lane o sa jungle. Makatutulong ang item build na ‘to bilang reference, dahil mas mainam pa rin kung ibabase sa playstyle ng manlalaro at estado ng laro ang mga item na bubuuin.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 3 best counters kay Edith sa Mobile Legends