Matapos ang pagpapakitang-gilas ni Tristan “Yawi” Cabrera sa kahabaan ng kampanya ng ECHO noong M4 World Championship, hindi malabong ligawan siya ng iba’t-ibang koponan mula sa iba’t-ibang rehiyon.

Tinapos ng 21-taong-gulang na roamer ang turneong kinabibilanangan ng 16 sa pinakamalalakas na koponan sa buong mundo nang may 11 hero na ginamit, ang pinakamarami sa buong palaro. Nakapagtala rin siya ng perpektong win rate sa Chou matapos niya itong laruin ng limang beses.

Credit: Moonton

Ngayong offseason, mainit ang balita tungkol sa mga roster shuffle, at pagpapatuloy ng paglipat ng mga Filipino talents sa iba’t-ibang rehiyon, tinanong ng ONE Esports si Yawi kung may trip ba siyang lipatan na team sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID).



Ang dahilan kung bakit gustong lumipat ni Yawi sa MPL ID team na ‘to

Credit: Moonton

Isang koponan lang ang pinangalanan ni Yawi at isang dahilan lang din ang meron siya kung bakit niya ito gagawin:

“Gusto kong maglaro para sa ONIC Esports dahil gusto kong maging kakampi si Kairi.”

Si Kairi “Kairi” Rayosdelsol ang jungler ng naturang koponan. Bukod sa kampeonato na kanyang sinelyo, kinilala rin ang Pinoy noong nakaraang season ng MPL ID bilang ang regular season MVP, finals MVP, at miyembro ng First Team.

Credit: Moonton

Sa kampanya ng ONIC Esports noong M4 World Championship, hindi maipagkakaila ang pagbubuhat na ginawa ni Kairi sa kanyang koponan. Natapos sa ika-apat na puwesto ang kanilang pakikipaglaban matapos mabigo kontra RRQ Hoshi.

Kung sakali, papalitan ni Yawi bilang roamer ng ONIC Esports si Nicky “Kiboy” Fernando at Thomas “SamoHt” Budiman para maging magkakampi sila ni Kairi.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ito ang saloobin ni Yawi matapos makuha ang M4 world title at ang mensahe niya para kila Renejay at H2wo