Sa bansa kung saan maraming magagaling na Chou player, nasemento ni Tristan “Yawi” Cabrera ang kanyang posisyon bilang isa sa pinakamagagaling.

Naipamalas niya ito sa kahabaan ng kanyang propesyunal na karera simula sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) hanggang sa pagselyo ng ECHO ng kampeonato sa M4 World Championship.

Dagdag pang patunay ang pagrespeto ng Blacklist International sa kanyang hero noong grand final ng MPL PH Season 10, kung saan na-ban ito sa lahat ng anim na laro ng best-of-seven na serye.

Kaya’t nang tanungin ng ONE Esports si Yawi kung paano nga ba gumaling maglaro ng Chou, bukod siyempre sa pag-practice, inuna niyang idiin ang kahalagahan ng teamwork.

Credit: Moonton

“Una kailangan mong makipag-communicate sa mga kakampi mo. Pangalawa, kailangan tutukan mo ‘yung mapa para alam mo ‘yung posisyon ng mga kalaban mo,” paliwanag niya.

Bilang panghuling tip para maging Chou God, ikinwento ni Yawi na kailangan mo rin daw manood at magtanong sa mga kapwa Chou God kung paano maging magaling na Chou player.



Ang reaksyon ni Yawi sa pagkilala sa kanya bilang Chou God

Pano maging magaling na Chou player? Ito ang tips ni Chou God Yawi
Credit: ONE Esports

Ikinagalak naman ni Yawi na kinikilala siya sa buong mundo bilang isa sa mga pinakamagagaling na Chou player.

“Flattered ako tsaka masaya kasi maraming naniniwala na ako ‘yung best Chou player,” pag-amin ni Yawi sa ONE Esports.

Bukod dito, ikinatuwa niya rin ang pagkukumpara ng Indonesian MLBB community sa kanya at sa dating EVOS Legends roamer na si Donkey dahil sa husay nilang pareho gumamit ng Chou.

Pano maging magaling na Chou player? Ito ang tips ni Chou God Yawi
Credit: Instagram/Donkey_Yurino

Sa kampanya ng ECHO patungong kampeonato, nakapagtala si Yawi ng 100% win rate sa limang beses niya itong ginamit noong M4 World Championship.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: BREN Esports kampeon ng SEAG SIBOL MLBB Qualifiers, Coach Duckey pangungunahan ang national team