Mananatiling walang mantsa ang win-loss talaan ng MPL Philippines Season 10 Runner Ups ECHO sa makitid na Group C sa M4 World Championship Group Stages. Ito ay matapos nilang sagasaan ang Occupy Thrones na ibinaon nila sa 19-4 kill score sa larong tumagal lamang ng 11 minuto.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Hindi umubra ang mga MPL MENA team sa agresibo ngunit desimuladong galaw ng Purple Orcas na maagang umarangkada sa likod makamandag na Chou ni Jaypee “Jaypee” Cruz na sinamahan ng pambhirang zoning at respo ni Sanford “Sanford” Vinuya sa kaniyang Yu Zhong.


ECHO binigyan ng isang mabilis ang Occupy Thrones para ilista ang ikalawang panalo

Credit: Moonton

Maaagang inapakan ng ECHO ang pedal para pagulungin ang kanilang snowball tampok ang magkasamang lakas nina Jaypee at Sanford.

Natagpuan ng Purple Orcas ang tagumpay sa early game sa tulong ng henyong rotation ng kanilang roamer na dinikdik ang gold lane para mabiyan ng kalamangan ang Harith ni Benedict “Bennyqt” Gonzales.

Kaya naman bago pa tumungtong ang laban sa ikawalong minuto ay nakapagtala na ang ECHO goldlaner ng 4 kills katuwang ng 2 assists, gayundin ang kaniyang key items para samantalahin ang power spike ng hero.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Pareho ang laki ng iniambag ng Yu Zhong ni Sanford na maagap na rumesponde sa neutral objective takes at teamfights para tuluyang mapurnada ang early game ng kalabang team.

Hindi na lumingon pabalik ang ECHO na kumatok sa base ng kalaban sa ika-10 minuto. Hindi na kinaya ng Occupy Thrones ang dambuhalang damage output nina Bennyqt, Sanford, gayundin kay Karl “KarlTzy” Nepomuceno na dumausdos sa mga kalaban sa kaniyang Ling para isarado ang best-of-one sa sumunod na minuto.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Dahil sa tagumpay, makukuha ng Pinoy team ang ikalawa nilang panalo sa Group Stage, at ang tiyansa na maselyo ang upper bracket sa kongklusyon ng Day 4.

Manatiling naka-antabay sa pinakahuli sa M4 Group Stage sa pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Karltzy may personal na misyon sa M4