Susi ang Gusion ni Alston “Sanji” Pabico sa tagumpay ng ECHO sa M4 World Championship.
Sa ikatlong mapa ng best-of-seven na grand final kontra defending champion na Blacklist International, inilabas ng rookie midlaner ang naturang Mage Assassin kahit pa isang buwan na niya itong hindi nagagamit sa scrim o sa ranked games.
“Ako inisip ko Gusion. Si [KarlTzy], Gusion din. Si [Coach Trebor], Valentina. Eh dalawa kami ni Karl na agree sa Gusion, so Gusion. Um-agree na rin si Coach Treb kasi maganda rin naman talaga,” paliwanag niya nang eksklusibo siyang matanong ng ONE Esports.
Hindi pa umabot ng 14 minuto ay natulak na ng ECHO sa match point ang serye. Nakapagtala si Sanji ng siyam na kills, ang pinakamarami sa naturang laro, kasama pa ang walong assists, kontra naman sa dalawang deaths.
Bukod sa kanyang payo para sa mga nangangarap maging pro player tulad niya, nagbigay din si Sanji ng tips para maging magaling na Gusion player—gaya niya.
- Kilalanin si SanFord ng ECHO, ang standout player ng M4 World Championship
- Eksklusibo: Dlar ipinaliwanag ang kanyang ‘Lft’ tweet
Pang-world champion na Gusion guide ni Sanji ng ECHO
Ani Sanji, kailangan daw ng mga 200-300 matches para magamay si Gusion.
“Gamitin mo nang gamitin para lahat ng micro, lahat ng macro mage-gets mo sa Gusion,” giit niya.
Para naman sa build, unahan daw ang Genius Wand tapos sundan ng Glowing Wand. Kung wala raw bubuo ng Athena’s Shield sa kalaban ay mas mabuting bumuo muna ng Holy Crystal saka sundan ng Divine Glaive. Para sa huling item, nasa manlalaro na raw kung anong mas trip nila sa Winter Truncheon o Immortality, pero para kay Sanji:
“Kasi gusto ko ‘yung [Winter] Truncheon, para alam mo na—pag pasok, buhay pa rin.”
Para naman sa combo ng mga skills ni Gusion, importante raw na basahin ang galaw ng kalaban.
“Kung hindi po talaga kayo sure kung mapapatay niyo ‘yung kalaban, second skill (Shadow Blade Slaughter), ulti (Incandescene), tapos first skill (Sword Spike) po. Kung may Flicker ‘yung kalaban or anything dash, second skill, ulti, second skill, tas pag nag-Flicker, doon mo first skill-an,” paliwanag niya.
Sa laban kontra Blacklist International, Mage Emblem na may Mystery Shop na talent ang ginamit ni Sanji. Naglagay din siya ng tatlong puntos sa Agility para mapabilis ang kanyang movement speed, tapos tatlong puntos sa Observation para mapalakas ang magic penetration.
Para naman sa Battle Spell, Petrify daw talaga ang ginagamit ‘pag mid nilalaro ang Gusion para mas madali ma-setup ang combo. Gamitin daw ‘to ‘pag papabalikin na ang lahat ng blades.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Pano maging magaling na Chou player? Ito ang tips ni Chou God Yawi