Isang matinding sagupaan ang sumiklab sa pambungad na laban ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11) kung saan muling nagtagpo ang dalawa sa pinakamalakas na koponan ng MLBB ng Pilipinas, ang ECHO at Blacklist International, upang pabagsakin ang isa’t isa sa unang araw ng tournament.
Pumasok ang Blacklist sa arena bilang defending champion ng MPL PH habang ang kanilang kalaban na ECHO ang nagbukas ng tournament bilang Mobile Legends: Bang Bang world champion matapos manalo sa M4 World Championship sa Jakarta.
Hindi lang simpleng tagumpay ang nakataya sa tunggalian sa pagitan ng dalawang koponan, kundi karangalan ng dalawa sa pinakamalalaking Filipino teams. Sa huli ay nagwagi ang mga Orcas gamit ang kanilang world champion squad sa score na 2-0.
ECHO pinigilan si OhMYV33nus
Sa drafting phase pa lang ay naging mainit na ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan, at hindi sinayang ng M4 World champions ang pagkakataon na i-ban ang mga heroes ni Jonmar “OhMyV33nus” Villaluna. Agad na tinanggal sa Land of Dawn ang 4 na Blacklist star heroes na sina Diggie, Estes, Kaja at Lolita habang inilaan naman ang huling pwesto para kay Hanzo.
Ang ban na ito kay Hanzo ay medyo kapansin-pansin kung isasaalang-alang na ilang beses na ang assassin hero na ito ay ginamit bilang roamer. Sa ilalim ng mga kundisyong ito, walang ibang pagpipilian si OhMyV33nus kundi gumamit ng Faramis. Sa kabilang banda, nakuha ng mga Orcas ang mga meta heroes tulad nina Fredrinn, Gloo, Pharsa, Beatrix at Atlas.
Bilang resulta, nagawa ng Orcas na maging agresibo at manalo sa unang game sa napakaikling oras na 11 minutes 30 seconds at napatunayang epektibo ang kanilang diskarte sa pag-ban sa mga heroes ni OhMyV33nus kung titingnan natin ang KDA ng player.
Ang sitwasyon sa unang game ay naulit sa pangalawa. Nabarahan ng M4 champs ang apat na heroes ni OhMyV33nus sa draft at pick phase, kasama dito ay ang pag-ban kay Claude.
Naging mas matindi ang labanan ng dalawang koponan sa ikalawang game. Tila naging parang roller coaster ang emosyon ng mga manonood dahil salitan ng dalawang koponan sa pagbibigay ng matinding pressure at pagkakaroon ng pagkakataon na manalo sa game. Ngunit sa huli ay napatunayan ng ECHO ang kanilang lakas sa pamamagitan ng pagselyo ng tagumpay sa score na 20-17 sa oras na 24 minutes 41 seconds.
Higit sa lahat, pinatunayan ng ECHO na ang pagtalo sa isang koponan na kasing lakas ng Blacklist ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pag-off kay OhMyV33nus at pagrespeto sa mga heroes nito. Gayunpaman, importanteng bagay pa rin ang husay at koordinasyon ng bawat isang miyembro ng team sa pagsasagawa ng matibay na diskarte.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.