Nakasilat ng tagumpay ang Smart Omega kontra defending world champion na ECHO nang unang magharap ang dalawa sa regular season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH Season 11).

Napatunayan ni Dean “Raizen” Sumagui na bagamat ‘boring’ ang Tank Lancelot e gana ito kahit pa kontra sa mga Orca at kilalang Lancelot player na si Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno. Susi kasi ang kanyang performance para matabla ng Barangay ang serye matapos ang dikit na bakbakan.

Kaso ‘pag dating sa huling mapa ng serye, tila in-activate na ng ECHO ang kanilang M4-form. Masusi nilang hinimay ang Smart Omega dahilan para manatili silang undefeated matapos anim na laban.

Ito raw ang tingin ni Coach Tictac na dapat pang ma-improve ng Smart Omega
Credit: ONE Esports

Kung tutuusin, may gulat ang dalang resulta ng serye, lalo na kung pagbabasihan ang standings. Pero para kay Harold Francis “Coach Tictac” Reyes, solido naman na ang Smart Omega, kailangan lang nila mag-improve sa isang aspeto.



Ang payo ni ECHO Coach Tictac sa Smart Omega matapos ang dikit nilang serye

Ito raw ang tingin ni Coach Tictac na dapat pang ma-improve ng Smart Omega
Credit: Moonton

Sa post-match press conference, ibinahagi ng koponan at ni Coach Tictac ang kanilang palagay sa nahihirapang Smart Omega.

“Okay naman sila eh, tingin ko decision-making sa late game—draft, everything, okay naman” ani Coach Tictac.

Matatandaang nawala sa kasalukuyang roster ng Barangay ang dalawang beteranong sina Joshua “Ch4knu” Mangilog at Patrick “E2MAX” Caidic. Malaki ang espasyong iniwan ng koponan lalo na’t si El Kapitan ang nagsisilbi nilang in-game shotcaller, habang ‘di naman matawaran ang husay ni Ch4k Mamba pagdating sa pagiging roamer.

Credit: ONE Esports

Sa ngayon, namamalagi ang Smart Omega sa ikapitong spot sa standings nang may isang panalo at limang talo. Nakatakda nilang harapin ang bottom seed na TNC Pro Team bukas, ika-11 ng Marso, para sa kanilang huling laban sa unang bahagi ng regular season.

Samantala, RSG Slate Philippines naman ang huling koponan na nakatakdang makaharap ng ECHO ngayong linggo. Idaraos ang kanilang harapan sa Linggo, ika-12 ng Marso, sa ganap na ika-anim ng gabi.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Bren Cheese Pick Era? Pheww ibinahagi ang rason sa kakaibang picks na Julian at Arlott kontra Blacklist