Nagpabilib ng maraming fans ang koponang ECHO gamit ang kanilang performance sa Group C ng M4 World Championship. Sa katunayan, marami ang nagsasabing mas malakas ang koponan ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno kaysa sa isa pang Filipino team sa tournament, ang Blacklist International.

Pwersado ang pagpasok ng ECHO papuntang playoffs matapos ang kanilang undefeated run sa Group C. At hindi basta-basta ang mga teams sa group an ‘to dahil kinabibilangan ito ng RRQ Hoshi, RSG SG, at Occupy Thrones.

Mapapansing mas maganda ang ipinakita ng ECHO kung ikukumpara sa naging takbo ng Blacklist sa Group A kung saan kasama nila ang Falcon Esports, Incendio Supremacy, at Burn x Flash. Sa grupong ito, pumapangalawa lamang ang koponan ni Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna.

Blacklist International M4
Credit: ONE Esports

Kung paghahambingin ang performance ng dalawang Pinoy teams, hindi maikakaila na marami ang nagsasabing mas malakas na ang ECHO ngayon kaysa sa Blacklist.

Dahil dito, sinubukan naming kunin ang panig ng coach ng ECHO na si Harold “Tictac” Reyes. Mariin niyang pinabulaanan ang hakahakang ito.

“I don’t believe in the assumptions that say if we are rated better than Blacklist International. In my opinion, each team has its own strengths and advantages,” sabi ni Coach Tictac sa ONE Esports.

ECHO M4 Karltzy Jaypee Tictac
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Ang susunod na challenge para sa ECHO sa M4

KarlTzy ECHO M4
Credit: ONE Esports

Matapos makapasok sa upper bracket ng M4 playoffs bilang top seed ng Group C, makakasagupa ng ECHO ang Team HAQ. Isa itong katuparan sa kagustuhan ni KarlTzy na makaharap ang MPL MY Season 10 champions.

Ito ang unang beses na magtutuos ang ECHO at ang Team HAQ.  Magiging kaabang-abang ang laban na ito dahil parehong maganda ang takbo ng parehong team sa tournament.

Bilang Malaysian champion, hindi papaya ang Team HAQ na mapahiya. Habang ang Orcas naman, na nagiging paborito ng marami sa M4, ay may mataas na tsansa rin na manalo sa match na ito.

Hindi magiging madali ang susunod na laban para sa mananalong koponan. Makakaharap nila ang mananalo sa pagitan ng Falcon Esports at ONIC Esports.

Maraming laban ang dapat abangan sa mga darating na araw. Hanggang saan aabot ang ECHO sa M4? Totoo nga kayang mas malakas na sila kaysa sa Blacklist International?

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.