‘Di kasama si Gerald “Dlar” Trinchera sa roster ng EVOS Legends sa Piala Presiden Esports 2022, isang Mobile Legends: Bang Bang tournament sa Indonesia.
Sumali ang koponan sa closed qualifier ng naturang turneo kung saan kalahok din ang ibang teams mula sa MLBB Professional League Indonesia at MLBB Development League. Anim mula sa walong koponan dito ang makakalagpas sa group stage.
Iba rin ang mga manlalarong bumubuo sa roster ng EVOS Legends kumpara sa pinasabak nila sa MPL ID Season 10. Tinira lang nila sina Dreams at Saykots, habang paglalaruin naman sina Hijumee, Vaanstrong, Ferxiic, at Branz.
Ang dahilan kung bakit wala si Dlar sa roster ng EVOS Legends sa Piala Presiden 2022, ayon kay SOA
Sa isang Instagram story, ipinaliwanag ng EVOS Legends manager na si SOA ang dahilan sa desisyong ‘wag isama si Dlar sa roster ng kanilang koponan.
Aniya, hindi raw kasi pwedeng maglaro si Dlar sa Piala Presiden 2022 dahil siya ay mula sa Pilipinas. Magsisilbi kasi itong qualifier para sa koponang magiging kinatawan ng Indonesia para sa International Esports Federation o IESF.
Nilinaw din naman ni Dlar sa kanyang TikTok na totoo ang naturang dahilan.
@jejegultoom nih gais yg belum tau! #evosdlar ♬ JEDAG JEDUG – Full Bass – Barabe mix
“Ga bisa, ga ikut. Ga bisa main di Piala Presiden karena saya orang PH,” sagot ni Dlar sa isang nagtanong kung bakit hindi siya kasali sa roster ng EVOS Legends.
Gayunpaman, inaasahan pa rin ang paglalaro ng Pinoy EXP Laner para sa EVOS Legends sa paparating na MPL Invitational 2022.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Heto ang reaksyon ni REKT sa pag-alis ni DeanKT sa EVOS Esports