Ibinunyag ni Gerald “Dlar” Trinchera sa isang livestream ang kanyang kagustuhan na sumali sa RRQ Hoshi, isa sa mga pinakatanyag na koponan mula sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID).
Matatandaang miyembro ngayon ang Filipino EXP laner ng MLBB Development League Indonesia (MDL ID) team na EVOS Icon matapos ma-demote mula sa EVOS Legends. Bagamat naka-abot sa grand final, bigo ang koponang makaselyo ng kampeonato mangyaring walisin sila ng Bigetron Beta.
Ngayong off-season ng mga liga, abala si Dlar sa kanyang stream. At sa isa sa kanyang mga palabas, inamin niyang nais niyang maglaro sa MPL ID team ng RRQ.
Nais raw sumali ni Dlar sa RRQ Hoshi kung magreretiro si R7
Sa isang livestream, ipinabatid ni Dlar ang kanyang paghanga sa RRQ Hoshi. Binanggit ang husay ng roamer at gold laner ng koponan bilang pangunahing dahilan kung bakit nais niyang sumali dito.
“Jika saya bermain bagus saat ini dan kalian tahu tipe gameplay saya, kalau R7 pensiun saya ingin gabung RRQ Hoshi. Karena di sana goldlane dan supportnya jago. Vynnn jago juga,” saad niya sa kanyang stream.
(Kung maganda laro ko ngayon, at alam niyo ang tipo ng gameplay ko, kung magre-retire si R7, gusto ko sumali sa RRQ Hoshi dahil magaling ang gold lane at support nila. Magaling si Vynnn.)
“Vynnn salah satu tank terbaik, bisa set-up. Jago banget. Alberttt jago juga seperti Kairi. Saya tak bisa ke ONIC Esports karena Butsss jago dan sudah ada chemistry di sana,” ani pa niya.
(Isa si Vynnn sa pinakamahusay na tank na kayang mag-set-up. Magaling talaga siya. Magaling din si Alberttt laban kay Kairi. Hindi ako pwede sa ONIC Esports dahil magaling si Butsss at may chemistry na sila doon.)
“Itu hanya terjadi jika performa saya masih bagus dan R7 pensiun. Karena saat saya main bagus, saya bisa membantu mereka dengan hasil yang baik,” paliwanag pa niya.
(Mangyayari lang ‘to pag maganda pa ang performance ko at nag-retire si R7. ‘Pag maganda laro ko, matutulungan ko silang makakuha ng magandang resulta.)
“Karena Anda harus memperlihatkan performa Anda sekarang, bukan karena penampilan musim sebelumnya. Apalagi di Indonesia lebih ke arah mekanik, sedangkan saya pemain pintar (makro) dan harus lebih belajar mekanik lagi,” sambit niya.
(Kailangang magpakita ng magandang performance ngayon, hindi ‘yung performance noong nakaraang season. Lalo na sa Indonesia, na mas mahalaga ang mechanics. Kahit magaling akong (macro) player, marami pa akong matutunan tungkol sa mechanics.)
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Sagot ni Dlar nang tanungin siya ni REKT kung gaano ba kahusay si OhMyV33nus