Pinuri ng Filipino EVOS player na si Gerald “Dlar” Trinchera ang V33Wise duo ng Blacklist International na sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie “Wise” Rosario nang tanungin siya ni REKT kung gaano ba kahusay ang dalawang MLBB players.
Sa ngayon, ang V33Wise ang sinasabing pinakarespetadong duo sa MLBB competitive scene. Nakayanan ng duo na ihatid ang kanilang teams sa kampeonato sa halos lahat nang events na kanilang sinalihan nitong mga nakaraang taon.
Sa kabila ng pagkabigo sa MSC 2021, MPLI 2021, at MPLI 2022, nagawa nilang makuha ang ginto sa mga events tulad ng MPL PH S8, M3 World Championship, Southeast Asian Games 2021, at MPL PH S10.
Dlar tinawag na best players sina OhMyV33nus at Wise
Bilang dating teammate sa ONIC PH, ibinahagi ni Dlar kay REKT ang dahilan kung bakit niya sinabing mahusay si V33nus.
“He’s good at everything. Whether it’s about game planning, shotcalls, draft heroes, team fights, handling teammates. He’s the best player,” sabi ng Filipino player.
“If V33Wise moves to another team, they can still win. Edward, Hadji, OHEB are also good players, but the key player on the Blacklist is V33Wise,” sabi niya.
Sa sinabi ng dating ONIC PH player, napaisip si REKT na ang susi sa pagkapanalo ng team sa bawat game ay nasa midlane, lalo na kung binubuo ito ng mahuhusay na players tulad ng Blacklist duo.
“You want to play (gold and EXP lane) whoever plays, as long as you understand the game with us, you can definitely do it, guys. The important role is indeed the one in the mid. Trio mid,” sabi ni REKT.
Napatunayan ito sa 2021 SEA Games, kung saan kasama ng V33Wise si Hadji upang mabuo ang mid trio, at matagumpay nilang naiuwi ang gintong medalya para sa Pilipinas, kahit pa hindi original members ng Blacklist International ang kanilang gold laner at EXP laner.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.