May bagong landas na tatahakin si Gerald “Dlar” Trinchera sa MLBB eksena sa Indonesia. Matapos bumandera para sa EVOS Legends sa pagsisimula ng MPL Indonesia Season 10, ilalagay muna ang batikang EXP laner sa EVOS Icon, ang developmental team ng esports org.

Ito ay karugtong ng anunsyo ng EVOS sa social media kung saan inilahad din na kapalit ni Dlar, aangat papunta sa main roster ng White Tigers si Rizqi “Saykots” Damank.

Roster update: Dlar ilalagay muna sa EVOS Icon, Saykots aangat sa Legends ngayong S10
Credit: MPL ID

Sa parehong post, ibinahagi din ng esports team na may magaganap ding pagbabago sa kanilang coaching staff. Si Steven “Age” Age na ang magiging analyst ng team, habang assistant coach naman si Stenley “TaxStump” Hermawan.


Karera ni Dlar sa ilalim ng EVOS Legends

Roster update: Dlar ilalagay muna sa EVOS Icon, Saykots aangat sa Legends ngayong S10
Credit: EVOS Esports

Matapos inanunsyo ng team na kukuhanin nila ang serbisyo ng isa sa pinakamalakas na EXP laners sa mundo, maraming fans ang nasabik sa pagsalang ni Dlar sa eksena.

Inantabayanan ang debut ng Filipino pro ngayong Season 10 sa ilalim ng bandera ng EVOS, na naisakatuparan sa Week 2 Day 2 kung saan hinarap niya ang kapwa mga Pinoy na sina Allen “Baloyskie” Baloy at  Mark “Janaaqt” Lazaro na bumandera naman sa Geek Fam ID.

Hindi bigo ang fans na nasaksihan ang unang salang ni Dlar sa competitive play sa Indonesia. Pumukol ang EXP laner ng perpektong 4/0/4 KDA at tinangke ang mahigit 86K damage mula sa kalaban upang tulungan ang White Tigers na mailista ang 16-7 win sa loob ng 14 minuto sa unang mapa.

Kasing-gilas ang isinalang ng “The Generel” sa game two matapos hawakan ang Esmeralda na pumukol ng 2 kills at 6 assists at zero deaths para iligpit ang ex-teammate sa ika-15 minuto.

Credit: MPL ID

Bagamat tatlong laro lamang ang kinalahukan ng Pinoy ay kasalukuyan siyang numero uno sa KDA average kung saan nagtala siya ng 8.5 Total KDA.

Alinsunod sa anunsyo, pupuwesto muna si Dlar para sa Icon habang si Saykots naman ang papalit sa parehong posisyon. Ito na rin ang pinakahuling promotion ng EVOS mula MDL papuntang MPL dahil makukumpleto na nila ng 3 maximum transfers base sa MPL transfer rules na pinagulong ngayong season.

Sa EVOS Icon, sasamahan ng Pinoy pro ang ilan sa mga kilalang players sa ilalim ng EVOS brand. Makakatuwang ni Dlar ang mga MLBB pros katulad na lamang nina Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin na dating jungler ng Legends, at ang dating Bigetron Alpha star na si Jabran “Branz” Bagus Wiloko.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuli tungkol sa MPL.

BASAHIN: Kapos daw si Baloyskie ‘pag dating sa mechanics, ayon kina REKT at Antimage